CHAPTER 66

37 3 0
                                    

Heily's POV

Binuksan na ni Jared ang pinto kaya naman lumabas na rin ako. Tinignan kong isara nya ito bago nagtama ang tingin namin.

"Salamat sa paghatid, tuloy ka muna sa loob." Napapahiya naman syang ngumiti.

"Wala yun, saka hindi na rin ako tutuloy, baka makaabala pa ako kina Mama't Papa. Nandyan ba si Royl?"

"Wala eh, nasa bahay ni Tito Randy. Sinamahan nya muna."

"Ah." Nagbaba sya ng tingin, wala na syang masabi. Ewan ko kung may sasabihin pa sya o nag-iisip ng pwedeng sabihin.

"Galit ka ba sakin?"

"Ha?" Painosente kong tanong. Tinignan nya ulit ako pero hindi yun nagtagal. Bumaling sya sa bahay namin na parang tinitignan ang kwarto ko sa taas nito.

"Galit ka ba dahil sa ginawa ko kay Donna?" Naglaon ay tinitigan nya rin ako.

"Ha? Hindi 'no! Desisyon nyo naman yun. Masaya ako para sa inyo, yung limitasyon nalang ang alalahanin mo." Tatawa-tawa kong sabi kasabay ang animong paghampas sa hangin.

"Ano? Si-sige... pero paanong limitasyon?" Napairap ako. Hindi ako makapaniwalang pinag-uusapan namin ang ginawa nila.

"Matuto kang alamin yun ng mag-isa. Lalaki ka diba?" Sungit-sungitan kong tanong, inaasar ko sya. Napilitan syang ngumiti kahit na parang hindi naman nakuha ang point ko.

"Sorry na rin, tama ka, dapat alam ko ang limitasyon ko."

"Good. Diba nga, kahit pareho nyong gusto yung nangyari... dapat pigilan nyo muna ang isa't isa." Lakas loob kong sabi na nagpakunot ng noo nya. Napakurap ako at inisip mabuti ang sinabi ko. Sa itsura kasi ng mukha nya parang may mali akong nasabi.

"Hi-hindi ko naman gusto yung nangyari."

Ha?! Ano daw?! Eh loko pala 'to eh!

Sa inis ko, bigla ko nalang syang hinawakan sa kwelyo ng suot nya. Biglang nag-iinit ang ulo ko. Magkaiba sila ni Donna ng nararamdaman sa nangyari. Pinilit kong itago ang emosyon ko.

"Ulitin mo nga yung sinabi mo, Jared." May pagbabanta kong sabi. Nakataas ang dalawang kamay nya na parang nahuli ng pulis. Dahan-dahan syang lumingon sa kaliwa't kanang gilid nya.

"Easy ka lang... ka-kalma He--Heily. Hindi ko naman talaga gustong saktan si Donna. Hindi ko gusto yung nangyari kagabi! Na--nasasaktan ako. Kalma lang tayo." Nanlumo naman ako sa nasabi nya kaya mabilis pa sa tilaok ng manok ang naging pagbitaw ako sa halos pagkakasakal ko sa kanya.

"So--sorry." Nagpapanic ko namang nasabi. Kinapa-kapa nya ang leeg at wala sa wisyo akong tumulong sa kanyang gawin yun.

Eh? Para kaming baliw!

Napaatras naman ako. Yung medyo malayo na sa kanya. Mahirap na baka mapamali na naman ang pagkakaintindi ko.

"Akala ko hindi ka galit sakin, pero sa ginawa mo..." Bigla syang tumuwid ng pagkakatayo saka nag-bow down sakin.

"Sorry. I'm so sorry."

Heily naman! Yung kagabi ang tinutukoy nya, hindi yung tungkol sa hiwaga ng katanghalian.

"Hindi naman talaga ako galit. Umayos ka, wag mo nang gawin yan!" Naninita kong sabi. Humakbang din sya paatras matapos nyang umayos ng pagkakatayo. Naisip rin siguro ang naisip ko.

"Sorry. Ma--mali lang yung nasabi ko... pareho nyo namang hindi nagustuhan yung nangyari, ayun. Ayun na nga yun... oo tama." Kinakabahan ko paring sabi. Naiilang kami nagkatinginan.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon