CHAPTER 67

39 2 0
                                    

Heily's POV

"Tingin mo?!" Hindi ko makapaniwalang tanong nang sabihin ni Grey na kakaiba ako. May bahid kasi ng kayabayang sa boses nya.

"Para sakin kakaiba ka." Tumatango nyang sabi. Mabagal lang ang lakad namin. Magkasabay ang paghakbang namin, medyo nauuna nga lang sya at parang may akay-akay na bata.

"Bakit ganun ang tingin mo sakin?" Nilingon nya ako. Tinignan ko sya sakaling mababasa ang nasa isip nya pero syempre imposible yun.

"Dahil yun ka, kakaiba ka naman talaga."

"Paanong kakaiba? Dahil wala akong katulad at nag-iisa lang ako sa mundo? Dahil ako si Heily Garcia? Lahat ng tao kakaiba." Nginiwian ko sya. Mga pauso nya kasi. Ramdam kong magyayabang na naman sya.

"Hindi naman ganun ang tinutukoy at ibig kong sabihin. Well tama ka, nag-iisa ka lang at walang katulad. Sabihin na nating hindi lang ikaw ang nag-iisang may pangalang Heily Garcia... teka nga, alam mo ewan ko kung bakit kailangan pa kitang rasunan eh?"

"Eh sabihin mo nalang ayan na oh!" Hinila-hila ko pa ang kamay nya.

"Kakaiba ka kasi kilala kita. Ayan na, oh ano?!" Malamang, hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko. Napapangiti nalang at mahiya-hiya sa kanya. Feeling ko ang lakas ng dating ng sinabi nya sakin.

"Nakuha ko na. Gets na gets... pero gusto kong tapusin mo."

"Tss, ang dami mong arte ngayon ah?!" Nakakunot-noo nyang sabi. Bigla nya akong binitawan kaya sinabayan ko sya sa paglalakad.

"Edi kakaiba ka rin para sakin." Sabi ko. Tanging mata nya lang ang kumilos para sumilay sakin. Nag-smirk naman sya.

"Kasi kahit hindi lang ikaw ang may pangalang Darwin Grey Fuente. Ikaw lang naman ang kilala ko sa lahat ng kapangalan mo, kaya para sakin ikaw lang ang nag-iisa at walang katulad. Masaya akong makilala ka, Kakaiba." Masaya kong sabi. Nagulat ako sa pag-guhit ng ngiti sa labi nya. Nasabi ko sa kanya pero hindi nya nasabi sakin.

Ang daya. Hindi nya itinuloy eh.

"Sabi sayo, gets ko na eh."

"Kaya wag ka nang magtaka kung kakaiba ka talaga." Parang proud nyang sabi. Napasimangot naman ako.

"Eh bakit hinayaan mong ako ang magtapos ng sasabihin mo?"

"Alam mo na kasi nagtatanong ka pa. Pahirap ka pa sakin. Halika na nga." Inakbayan nya ako. Tiningala ko sya pero tuwid parin ang tingin nya sa daan.

"Umuwi ka na."

"Ayoko, namumugto pa yang mga mata mo oh?! Sa susunod na umiyak ka pa, dudukitin ko na yan!"

"Hanep ka na Mokong! Kung hindi dahil sayo hin---" Hindi ko nalang tinapos ang sasabihin ko. Hindi ko napansin na naging seryoso na sya, humingang-malalim ako. Niyakap ko ang Mokong sa bewang nya habang patuloy kami sa paglalakad.

"Nakalimutan ko, sorry."

"Sabi mo hindi ka magsosorry kasi hindi mo ako niloko?"

"Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung umiyak ka ng dahil sakin. Dahil dun ang sorry ko." Dama ang pagiging sinsero nya. Nagpilit akong ngumiti dahil nakaramdam ako ng pagkailang.

Alam nya pala yung salitang sorry. Halos manlumo ako kanina nung sinabi nya hindi sya hihingi ng tawad.

"You're forgiven."

"Nakalimutan ko rin, kapag may nangyari na namang hindi inaasahan na alam mong susubok sating dalawa. Pwede bang isipin mo nalang kung paano mo ako nagustuhan?" Ibinaba nya sakin ang tingin. May kakaibang tingin ang mga mata nya sa mga sandaling 'to. Nagpapaalala sakin ng magagandang alaala.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon