CHAPTER 39

34 3 3
                                    


Heily's POV

Lunch break na ngayon at magkakasama kaming kumakain sa rooftop na parang kagaya lang nang nakasanayan namin.

Awkward lang yata ngayon.

Si Royl at Shei, hindi nagkikibuan. Si Jared at Donna, paminsan-minsang nagkakatinginan pero nag-iiwasan din agad. Wala akong makausap sa kanila. Alangan namang kausapin ko ang Mokong.

Akala ko okay na kami, hindi na naman namamansin. Baliw lang.

"Nakalimutan ko, may ipinatabi nga pala akong cake sa canteen." Pambabasag ni Donna sa katahimikan kaya ito na ang chance para magsimula ang pag-uusap pero...

"Ako nang kukuha." Sabay-sabay naming sabi maliban kay Donna. Nagkatingin-tinginan kami.

"Ako na." Ulit namin. Bigla namang tumayo si Grey.

"Kukunin ko na. Dito nalang kayo." Sabi nya pa samin bago umalis. Sunod namang tumayo si Royl.

"Susundan ko na sya." Sabi nya at umalis din. Tinignan ko si Jared. Ganun din ang ginawa nina Shei at Donna.

"Bakit?!" Pagtataka nya samin.

"Wala naman, akala ko susunod ka rin sa kanila." Sabi ni Shei.

"Susunod nga ako." Bigla rin naman syang tumayo at naglakad palayo. Naiwan na kaming tatlong babae dito.

"Group hug!!!" Parang baliw na sabi ni Donna pero nagyakap-yakap kami.

"Anong problema ng mga yun?!" Tanong ko matapos ng yakapan.

"Hayaan nalang natin sila." Sagot ni Don kaya tumango ako. Naalala ko naman yung nangyari sa kanya.

"Ah Don, okay ka lang ba pagkaalis namin kagabi sa inyo?! Bigla kasing umulan ulit at may kasamang----"

"Okay lang ako. Hindi ako iniwan ni Jared."

"Bakit? Anong nangyari?!" Nag-aalalang tanong ni Shei kaya ngumiti nalang kami sa kanya.

"May takot kasi si Donna sa kulog at kidlat. Nasa eroplano sila nung una syang nakaramdam ng takot sa ganun, yun din ang dahilan kaya takot na syang sumakay dun." Napa-'ahh' nalang si Shei at tumango. Mabilis syang bumaling kay Donna.

"Eh, okay ka na ba talaga?!" Tanong pa nya.

"Mababaliw lang kayo katatanong. Ayos na ako, wag na kayong mag-aalala, para naman akong bata. Baka mag-spoiled ako sige!!"

Loka-loka.

Bumalik ako sa pagkain ng tanghalian. Maya-maya naman ay nakabalik na yung tatlong lalaki dala-dala ang cake.

Yum yum. Graham cake pala eh.

"Ayan na!!" Excited na sabi ni Donna habang papalapit sila. Naupo na si Grey nang mailapag nya ang cake.

"Dessert na." Kumuha si Donna nang dalawa at inabot ang isa kay Jared.

Oo, nakakapanibago sila.

"Oh." Inabutan ko rin si Royl matapos kong bigyan si Shei ng isang slice ng cake. Tinignan nya lang ito sa kamay ko kaya mabilis kong binawi ang pag-aabot sa kanya. Sa hindi malamang dahilan napatingin ako kay Grey. Para syang papatay sa mga tingin nya. Umayos ako ng upo. Kumain nalang din ako.

"Grey, ayaw mo ba?!" Tanong ni Jared nang nakaturo pa sa cake. Tinignan ko rin sya.

"Busog na ako." Sagot nya sabay iwas ng tingin samin.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon