CHAPTER 84

12 0 0
                                    

Heily's POV


Handa na ang lahat para sa celebration namin pero hindi ko na ngayon mahagilap kung nasaan si Grey. Pati si Shei at si Royl biglang nawala sa paningin ko.

Nasaan naman kaya ang mga yun?

"Heily."

Oh?

Nagbigay ako ng isang matamis na ngiti, hindi ako makapaniwalang lalapitan nya ako. Isa pa, hindi ko rin inasahang ngingitian nya ako ng walang bahid ng pilit at pagkukunwari.

"Congratulations... and good luck for your next chapter of learning." Hinawakan nya ang braso ko na nagpatindig ng balahibo ko.

"Thank you po." Nagtanguhan kami. Nilampasan nya na ako, hahakbang na sana ako nang may bigla akong naalala kaya naman nilingon ko sya paharap.

"Uhmm..." Nagitigilan sya at hinarap ulit ako. Ulit, sumilay ang ngiti nya.

"Belated happy birthday po, Tita Susanne." Hindi sya nakapag-react agad, tila nagulat rin sya. Umiwas sya nang may ngiti parin sa labi.

"Thank you... nakakapagtakang alam mo pala. Nasabi pala sayo ni Aila, siguro iniisip mo kung bakit hindi kami nag-imbita?"

"Hindi naman po. Saka, hindi po si Aila ang nagsabi sakin... may iba pa pong nakaalala ng birthday mo." Tipid lang syang ngumiti at dahan-dahan akong tinalikuran. Naglakad na sya palayo nang hindi man lang lumingon.

Breathed in. Breathed out. Okay... that's it. Nice Heily, very nice.

Pinuntahan ko sina Mama't Papa. Bakas sa kanilang kanina pa nila ako hinihintay, nagmadali akong lapitan sila.

"Po?! May problema po ba?!"

"Sumama ka samin." Sabi ni Mama, mukhang desperado sya.

"Saan po?"

"May ipapakita lang kami sayo." Sabi naman ni Papa.

"Pero... nasa venue na po yata silang lahat."

"Sandali lang tayo." Nagsalitan muna ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi naman mukhang kahina-hinala si Papa maliban kay Mama.

Kinasabwat na sya ni Shei nun sa mga gamit ko sa tree house.

"Okay sige po."

Nauna sila at nakasunod lang ako, papunta na kami ngayon sa mismong area ng mga cottages. Lalo lang akong nagtataka.

Hindi kaya umpisa na nang mga sorpresa nila? Oh my gosh!

"What the?! Is that?!" Wala sa sarili akong napatakbo hanggang sa marating ko ang isang malaking puno. Napapaligiran ito ng mga cottages.

"I'm..."

"Speechless?!" Bumukas ang bintana ng tree house, si Grey ang una kong nakita, sumilip na rin sina Shei at Royl.

"No! I'm so happy!"

"What are you waiting for? Come here!"

"Bwiset ka talaga Shei! Pati ikaw nahahawa na sa kanila?!"

"Tara na." Bumalik na sila sa loob. Naririnig ko ang tawanan nila. Hindi ko alam kung anong iisipin ko.

"Mukhang nagustuhan mo." Mula sa likuran ko, humawak sa magkabilang balikat ko sina Mama't Papa.

"Ginawa namin yung ideya ni Grey, hindi man yan ang totoong tree house na nandun sa bahay... siniguro naming magkatulad na magkatulad at kopya ang lahat ng materyales ng bahay. Yun nga lang... pinalaki lang namin."

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon