CHAPTER 29

38 2 0
                                    


Donna's POV


Nagkatinginan kami nina Shei at Heily nang tumigil ang bote at tumapat kay Grey.

"Okay, truth or dare??" Nakangiti kong pagtatanong sa kanya.

"Truth." Sagot nya naman. Halos lahat kami ay nakatingin sa kanya. Mukhang wala syang ganang naglaro pero hindi naman ganun kahalata.

"Iniiwasan mo ba si Heily??" Mapanukso kong tanong kaya siniko ako ng katabi kong Bubwit.

"Hindi naman. Lumulugar lang ako sa dapat kong kalagyan. Isa pa mukha namang wala sya sa mood para makipag-usap. Lalo na kasi nababadtrip lang sakin ang Bubwit na yan kapag kaharap ako." Sabi ni Grey. Natahimik tuloy kaming tatlo nina Shei at Heily.

"Epekto ng pagpapaligoy mo Heily. Tignan mo tuloy." Bulong ko.

"Sinabi na ngang wala akong gusto kay Grey. Naguguluhan ako!!" Inis nyang bulong pabalik sakin. Kinuha ni Grey ang bote at paiikutin na sana nang biglang dumating si John.

"Oy, nagsimula na kaming maglaro. Ano pa bang ginawa mo kaya ka natagalan??" Tumingin sakin si John. Hindi sya sumagot at nanatiling nakatingin sakin.

"Are you alright??" Tanong naman ni Shei sa kanya pero hindi parin sya sumagot. Naglakad si John palapit samin.

"You look stupid. Bakit hindi ka sumasagot??" Napatingin ako kay Aila. Parang may naaalala akong isang tao base sa pananalita nya.

"Para syang si Donna." Mahinang sabi ni Shei kay Heily.

"Sang-ayon ako dyan." Natatawa namang sabi ni Heily.

Now I know.

"May iniisip lang ako kanina." Biglang sagot ni John at bumaling naman kay Jared.

"Tama ka. Alam ko naman yun eh... pero ang totoo naduduwag lang ako." Nagkaroon ng katahimikan.

Isang nakakabinging katahimikan.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Tumingin sakin si Jared. Hanggang ngayon ay badtrip parin sakin ang lalaking yan.

Humarap si John kay Aila kaya tiningala sya ni Grey. Wala talagang alam ang Mokong kung anong meron kina John at Aila.

"Can we talk??"

"I'm not interested." Mabilis na sabi ni Aila. Naupo naman si John para mapantayan sya.

"Aila please."

"Sorry Guys, I have to go." Sabi ni Aila samin at agad tumayo.

"Grey let's go." Pagbaling nya pa sa kapatid nya. Tumayo na rin kami.

"Ano bang nangyayari?? Aila ano 'to??" Naguguluhang tanong ni Grey.

"Kuya halika na!!" Halos pasigaw nang sabi ni Aila kay Grey kaya agad syang napaiwas dito.

"Bahala ka nga." Aalis na sana si Aila nang pigilan sya ni John at hinawakan nya nang mahigpit ang kamay nito.

"Aila ayusin natin 'to."

"Ano ba?!" Itinulak nya palayo sa kanya si John kasabay ang pagsampal dito.

"Hindi ka ba nakakaintindi??"

"Aila, hindi na kita mahal." Sarkastikong ngumiti si Aila at natapik nya pa ang balikat ni John.

"Oo na. Oo alam ko." Sabi nya dito kaya tumingin ulit si John kay Jared.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon