CHAPTER 19

55 3 1
                                    

Shei's POV

Halos mag-iisang linggo na rin akong nakatira sa shop nila Heily. Ngayon ay araw ng sabado at maraming customers. Nandito rin si Donna para tumulong samin nina Papa George at Mama Myra.

"Sir, ito na po ang mini chocolate cake nyo." Nakangiti kong inilapag sa mesa ang order ng isang lalaki nang tingalain nya ako.

"Kamusta??" Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko inaasahang magkikita kami dito at namalayan ko nalang ang paghakbang ko nang paatras.

"Maiwan ko na po kayo... Sir." Akmang aalis na ako pero nilingon ko ulit sya. Hindi nya inaalis ang tingin sakin. Tinignan ko rin syang mabuti bago ko nilingon ang kinaroroonan nina Heily at Donna.

"Join me.... have a seat." Hindi agad ako nakakilos at nanatili lang na nakatingin sa kanya.

"Ano?? Tatayo ka lang ba dyan??" Hindi ko napigilang magbaba ng tingin at yumuko sa kanya.

"Okay lang po ako. Tatayo nalang po ako dito." Umayos naman ako nang pagkakaharap ko sa kanya. Naikuyumos ko ang mga kamay ko habang nakahaw sa suot kong apron.

"Tignan mo ang itsura mo??" Naging matunog ang paglunok ko. Nakaramdam ako ng pagkahiya sa kanya.

Kung pagbabasihan ang tono ng pananalita nya ay natitiyak kong hindi sya makapaniwala sa nakikita nya.

"Muntikan na ngang hindi kita makilala. Ang laki ng ipinayat mo... bakit hindi ka makatingin sakin??" Nang marinig ko yun ay lakas loob akong tumingin kay Daddy. Bigla nya namang inaayos ang pagkakaribbon sa kahon ng cake.

"Tignan mo, nagta-trabaho ka dito pero hindi mo magawa ng ayos ang simpleng pagriribbon sa kahon." Iiling-iling nyang sabi.

"Ito na ba?? Ito na ba ang pinagmamalaki mo samin ng Mom mo??" Seryoso ang mukha nya pero hindi ko parin nagawang iwasan ang mga tingin nya.

"Bakit hindi ka makapagsalita??" Masyado pang maaga kaya wala pang mga customer. Kung meron man ay paisa-isa.

"Sila ba ang mga kaibigan mo??" Tinignan nya sandali sina Donna at Heily.

"Tinatanong kita Shei."

"Hindi ko inaasahang kakausapin nyo pa ako."

"Kahit naman ako... hindi ko inaasahang makikita kita dito." Nagtaka ako nang ngumiti sya at tumitig sakin. Matagal kaming hindi nakaimik kaya ako na ang pumutol sa namagitang katahimikan.

"Marami pa akong gagawin... kaya kung wala ka nang kailangan ay aalis na ako." Tinalikuran ko na sya at bumalik ako sa kusina. Nakita ko naman si Donna.

"Tulungan mong maghugas ng pinggan si Heily." Agad na utos nya habang nagbabati ng itlog.

"Donna."

"Oh??" Napatigil sya sa ginagawa nya at tumingin sakin. Lumapit ako sa kanya.

"Paano mo nakayanan??" Tanong ko na ipinagtaka nya naman. Sumandal ako sa refrigerator saka napabuntong hininga.

"Paano mo nakayanang mapalayo sa mga magulang mo??" Wala sa sarili kong tanong sa kanya. Hinarap nya ako at tinaasan ng kilay.

"Hindi mo alam??" Flat na tanong nya at sarkastikong ngumisi.

"Malayo ka rin naman sa mga magulang mo diba??" Dagdag nya at humakbang palapit sakin.

"Nami-miss mo na sila 'no?? Ganyan din ang nararamdaman ko kapag naiisip ko sila Mom at Dad." Tinapik-tapik nya pa ang balikat ko.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon