CHAPTER 69

29 4 0
                                    

Royl's POV


Sinubukan kong tawagan ulit si Aila, hindi nya na talaga sinasagot. Hindi ko na alam ang nangyayari, sa kakulitan ni Heily may nalaman na tuloy sya. Siguradong may na-gets pa sya sa sinabi ni Aila nung araw na bumisita kami sa bahay nito. Naisip ko namang tawagan si Dad, hindi ito nagtagal nang sagutin nya. Humugot ako ng isang malalim na hininga.

"Hello Dad?"

Is he up?

"Dad?" Mahinahong ulit ko pa.

"Son, nasa meeting ako."

"Dad... wait, wait lang. Where are you?"

Hindi, sana mali ako.

"Nasa meeting." Ulit nya.

"Yeah... pero saan pong lugar, Dad?"

"I'll talk to you later."

"Dad---what?!"

Haish!

Agad kong naibulsa ang phone ko. Bumibigat ang paghinga ko. Alam na ni Heily na may magaganap talagang announcement sa reunion, kahit tumigil na sya sa panghihimasok sa event na yun, kinakabahan akong baka may malaman pa sya bukod dun. Napayuko ako at tumitig sa kinatatayuan ko.

Hindi kaya...

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, lumabas ulit ako sa kusina habang hinuhubad ang apron. Ihinagis ko yun pabalik sa pinagkunan ni Heily. Tinignan ko sila sa pwesto nila kanina pa.

Mahinahon akong lumapit sa kanila at iwas ang tingin kina Grey at Heily. Makahulugan akong tumingin kay Jared. Nagtanguhan kami.

"Maupo ka, Royl." Sabi ni Heily. Sinunod ko sya nang hindi parin nakatingin sa kanya. Napakunot ang noo ni Jared kaya wala na akong nagawa, hindi nya nakukuha ang punto ko.

Hindi sya tumulad kay Heily na parang may special power sa isang tinginan lang, alam na.

"Royl---"

"I'm okay, ikukuha ko lang kayo ng drinks."

"May drinks na kami, sasabihin ko lang na nandito na sina John at Andrew oh?! Hindi mo man lang binati. Praning 'to." Mataray na sabi ni Donna kaya binalingan ko yung dalawa.

"Nakita ko naman sila. Naunahan mo lang ako, babatiin ko na nga sana eh."

"Utot mo! Lutang ka na naman kamo!"

"Lalabas lang ako sandali." Napatingin kaming lahat kay Jared. Agad syang kinapitan ni Donna.

"Anong gagawin mo sa labas?!" Galit-galitan pang tanong tuloy ni Donna. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jared.

"Tatawagan ko sina Mom at Dad, baka hindi pa sila nagkikita ng parents mo eh. May usapan yung mga yun diba?"

Good.

"Tinawagan ko na kanina, okay na. Magkakasama na nga sila eh, baka nga kasama rin nila Mama't Papa yun." Sabi ni Donna.

Haish ang malas!

Napatingin ako kay Heily na patagong ngumiti. Tinignan ko rin si Grey na mukhang nakukuha na ang sitwasyon namin.

Siguradong binigyan nya ng clue si Heily!

"John, Andrew... gusto nyo pa ba ng mango pie?" Natauhan ako na hindi lang pala kami-kami ang magkakasama.

"Okay lang, wag na."

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon