CHAPTER 86

12 0 0
                                    

Donna's POV



"Ija... suotin mo na 'to." Pamimilit ni Mom, ang totoo kanina nya pa ako pinipilit na suotin ang dress.

"Oo nga naman, Sweetie." Sabi naman ni Mom Selena. Mukhang excited sila. Sina Dad at Dad Manuel naman pormal na pormal din ang suot.

Lumapit ako sa bintana at tumanaw sa labas, kahit nasa second floor kami, nag-focus ako sa mga batang naglalaro. Hindi ko pinansin at pinakinggan sina Mom. Pamilyar ang ibang batang nakikita ko, mga anak o apo siguro ng mga guests ni Aila kagabi.

Dito rin talaga sila tumuloy sa hotel?!

"Mabuti nalang po... may mini park at mini playground tayo sa tabi ng hotel." Nakangiti kong sabi. Hindi maalis ang ngiti ng dalawa kong Mom.

"Sinabihan kasi namin ang guests na pwede silang magdala ng bata." Sabi ni Dad Manuel.

"Bakit parang ang dami po nila ngayon?"

"Syempre mga bata sila, masyado ng gabi ang party ni Aila kaya maaga silang natulog. Si Jared pa nga ang nag-asikaso ng ilan sa kanila eh. Subukan mo syang hanapin... kasama nya si Grey at nakikipaglaro sa mga bata."

Opo nga po. Sa kanila po ako nakatingin ngayon.

"By the way po... anong oras magsisimula ang opening ng resort?" Pag-iiba ko habang nakatanaw parin kina Jared. Nakikipaglaro sya sa isang batang babae na nakaupo mismo sa hita nya.

"Exactly 9 am. Are you excited?"

"Of course, definitely yeah." Tinignan ko sila. Halos walang pinagbago, lahat sila ay nakangiti na sakin. Nag-smirk naman ako sa kanila dahil sa naisip kong bigla.

"Dahil po pala usapang business kaya kailangan nating maging pormal. Sige po... susuotin ko na ang dress. Suportahan natin ang Garcia at ang resort nila. Fighting!!" Agad kong kinuha ang dress, aalis na sana ako nang balingan ko ulit si Mom.

"Si Papa po ba ang magka-cut ng ribbon?" Tanong ko.

"Yes."

Oh my gosh!

"Oh Mom!" Impit kong sabi sabay hagis ng dress sa sofa.

"Dala po natin yung camera ko diba po? Ehhh! Napaka-photogenic po ng Papa kong yun... isa pa bihira lang po syang magpakuha ng litrato eh. Hindi ko po 'to palalampasin. Magpapalit na po ako ng damit... bye bye na!"

"Sweetie! Itong dress mo!" Pagpigil sakin ni Mom Selena.

"Oh sorry... okay okay. I got this." Winagayway ko pa ang dress at nagmadali na akong pumunta sa kwarto ko.

***

Umikot-ikot ako habang papalapit kila Shei. Feel na feel ko ang suot kong dress. Ngiting-ngiti pa man din ako pero nang makita ko ang itsura ni Aila habang nakanguso, bigla akong nawalan ng gana.

"What's wrong?!" Tinignan ko sya pero ang loka-loka palaban, inirapan ako ng bongga.

"Don't mind her." Tatawa-tawang sabi ni Shei at hinila ako palapit sa kanya. Naupo kami, mabilisan ko lang inilibot ang tingin ko sa buong paligid.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon