CHAPTER 22

41 2 0
                                    

Heily's POV

Biglang kumapit sa braso ko si Shei habang sinisilip namin sina Donna at Jared na nag-uusap sa loob ng recording studio. Nagkatinginan kami ni Shei. Hindi ko sila marinig.

"What the hell with them??" Inis at mahinang tanong ko naman.

"Hindi ko rin alam. Ano kayang pinag-uusapan nilang dalawa?" Nag-aalalang tanong ni Shei.

"Baka naman yung paglipat nila ng bahay." Panghuhula ko. Hinila ko naman si Shei palayo sa pinto kung saan kami nakasilip. Kumilos sina Donna at Jared palabas ng recording studio.

"Hoy! Akala ko nasa canteen na kayo??" Bungad agad samin ni Jared.

Ang hilig netong mantawag ng 'Hoy' hindi naman nakakatuwa.

"Nakikinig ba kayo sa pinag-uusapan namin??" Flat na tanong ni Donna pero seryoso ang itsura nya.

"Hindi naman, wala nga kaming naiintindihan dahil masyadong mahina ang mga boses nyo. Kaya hinintay nalang naming matapos ang pag-uusap nyo para sabay-sabay na tayong mag-lunch." Sabi ko sabay siko kay Shei. Napatingin pa kami sa isa't isa kaya pinandilatan ko sya ng mata.

"Ah oo...oo. Halika na. Sabay-sabay na tayo." Hinila-hila ni Shei ang braso ko kaya napasunod kami sa kanya. Narinig ko rin ang pag-'tsk' ni Donna.

***
Nang makarating kami sa canteen. Naabutan namin sina Grey at Royl na isa-isang nilalapag ang pagkain namin sa mesa. Naupo na kami.

"Teka nga lang... libre ba yan??" Tanong ni Donna at halatang masaya. Pagdating talaga sa pagkain bigla syang nagbabago.

"Oo naman Donna. Libre ko na yan... congratulation na rin sa bago nyong bahay. Sorry nga pala kasi nainip kami ni Grey kaya naisipan na naming mauna dito para makakain na agad tayo. Sige na." Litanya ni Royl at inabutan ng pagkain si Shei.

"Let's eat." Nakangiting sabi ni Donna habang pinagmamasdan nya ang pagsisilbi sa kanya ni Jared. Inalok pa sya ng ham at bacon nito na agad nyang tinanguhan.

Napatingin ako kay Grey. Nagsisimula na syang kumain kaya naman kumain na rin ako. Tahimik kaming nagtatanghalian.

"Oy Heily. Napag-usapan na namin ni Jared, sa darating na biyernes na kami lilipat sa bago naming bahay. Pagkatapos nun magkakaroon ng house warming sa linggo." Nag-nod naman ako sa biglaang pagsasalita ni Donna.

"So yun pala ang pinag-usapan nyo kanina sa studio??" Tanong ko habang ngumunguya-nguya pa.

"Yeah."

"Kailangan bang may invitation pa?? Baka naman pwedeng iinvite mo rin si John?"

"Ehh?? Bakit??" Reaksyon agad ni Grey kaya lihim akong napangiti. Bumaling ako sa kanya at tinasaan ko sya ng kilay.

"Bakit masama ba? Friend naman sya ni Donna kaya okay lang yun 'no!"

"Oo nga naman. Wait ite-text ko na sya para at least malaman natin kung free sya sa Friday at Sunday." Sabi ni Donna at agad na kinuha ang phone nya.

"Hindi na kailangan ng invitation... invited ang lahat kung sino ang gustong pumunta." Sabi ni Jared.

"Sorry hindi ako makakapunta." Napatingin kami kay Grey. Bigla syang tumayo at saka diretsong tumingin sakin.

"Bakit hindi??" Tanong sa kanya ni Donna.

"Naalala kong may pupuntahan pala ako sa biyernes. Sa linggo naman kailangan kong mag-stay sa bahay." Nagkatinginan kami ni Donna sabay baling ulit kay Grey.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon