CHAPTER 25

38 2 0
                                    

(Continuation.......)



Shei's POV

Lumabas kami ng bahay at agad na pumunta sa garahe. Kasabay ko si Heily samantalang nauuna samin si Royl.

May nalaman ako tungkol sa kanilang dalawa. Nagkwento sakin si Heily at hindi ko talaga inaasahan ang bagay na yun.

Bakit hindi ko agad nalaman? Bakit hindi ko nahalata?? Bakit ngayon lang nila sinabi sakin?

"Sumabay na po kayo samin." Pang-aalok ni Royl sa kanila.

"Wag na. May kotse naman kami. Mabuti pa't mauna na kayo ni Shei, tapos susundan nalang namin kayo. Nasa likuran nyo lang kami." Sabi ni Papa sabay baling kay Heily na nakapulupot sakin.

"Halika na. Sumakay ka na sa kotse." Sabi pa ni Papa sa kanya kaya bumitaw naman sakin si Heily at saka pumasok sa kotse nila.

"Shei." Napatingin naman ako sa pagtawag sakin ni Royl kaya lumapit na ako sa kanya at pinagbuksan nya ako ng pintuan.

"Salamat." Nasabi ko nalang bago pumasok sa kotse.

At habang nasa byahe kami papunta sa bahay nina Donna, hindi ko maiwasang tignan si Royl.

"Shei naman, wag mo akong tignan ng ganyan." Cold na sabi nya kaya napabaling sa labas ang tingin ko.

"I'm sorry." Sabi ko pa at hindi na ulit tumingin sa kanya.

"May sinabi ba sayo si Heily??" Mabilis naman akong umiling pero hinawakan nya lang ang kamay ko.

"Wag mo nalang isipin yun." Hindi ako umimik dahilan para mamagitan samin ang nakakabinging katahimikan.

Tinignan ko sa likuran kung nakakasunod pa ang sinasakyan nina Heily. Tinignan ko naman ang magkahawak naming kamay ni Royl bago ako tumingin sa kanya.

"Gusto kitang kausapin pero wala naman akong masabi." Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil nya sa kamay ko.

"Kung wala kang masabi, okay lang na maging ganto nalang tayo. Tahimik lang."

"Pero Royl gusto kong pag-usapan yung tungkol sa inyo ni Heily. Gusto ko lang----"

"Pag-uusapan natin yan. Pero hindi ngayon."

"Eh kailan??" Natigilan naman ako. Hindi ko namalayang nataasan ko na sya ng boses. Natagalan bago sya sumagot.

"Basta hindi ngayon, bakit ka ba nagagalit?!"

"Hindi ako galit Royl... sorry. Ang sakin lang naman bakit mo ginawa yun??"

"Hindi ko alam."

"Ginawa mo ba yun para sa ikasasaya ng iba at hindi ng sarili mo??" Hindi nya ako sinagot. Siguro kasi tama ako. Napansin ko namang parang may panibago syang iniisip.

"Mas mabuti nang nakapagpasaya ako."

"Paano kung hindi??"

"Shei naman. Intindihin mo nalang ako."

"Kapag ipinagparaya mo ang sarili mong kasiyahan para sa iba. Hindi ibig sabihin nun na masaya ang lahat. May masasaktan ka parin."

"Hindi nyo naiintindihan."

"Royl----" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang mag-ring ang phone ko. Binitawan ako ni Royl.

"Si Daddy??" Gulat kong sabi nang makita kung sino ang tumatawag. Nagkatinginan kami ni Royl.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon