CHAPTER 87

12 1 0
                                    

Heily's POV



"Nakakaasar talaga!" Ngumangawang sabi ni Donna pero napapatawa ako. Ako ang nahihiya sa itsura nya pero bakit ganun ang ganda nya parin.

"Ano ba naman yan Donna? Tumigil ka na." Saway sa kanya ni Tita Dana pero pinaghahampas lang sya nito. Pati tuloy si Tita natatawa sa inaasal ng anak nya.

"Nakakaasar kayo! Yung wedding anniversary ko, araw din ng birthday ng Impaktang Aila! Pinlano nyo 'to eh!" Lalo kaming napatawa.

"Syempre... oh diba ang saya nating lahat. Lalo na dahil dyan sa itsura at pag-iyak mo."

"Tito Greg naman eh!"

"Isa pa... FYI kahapon pa ang birthday nya." Sabi ko naman sabay tingin kay Aila. Tumango ito saming lahat.

"Kahit na 'no?!"

"Sige na Ija... tumahan ka na, kailangan mo pang ayusan eh. Mag-uumpisa na ang kasal mo." Pinilit namang tumahan ni Donna.

"How's Jared po?"

"He's fine... kinabahan lang talaga sya kanina. Inaasikaso na sya ni Randy at George."

"Congrats Don. Finally." Niyakap nya ako. Ngayon ko lang nakita ang side nyang may pagkaiyakin.

"Uy congrats... buti nakaabot ako sa kasal nyo ni Jared." Sabi ni Shei at nakiyakap na rin.

"Mabuti nalang 'no... kung wala ka talaga sa kasal ko hindi ako pupunta kahit anong celebration sa buong buhay mo."

"Ay wag ganon." Parang batang sabi ni Shei. Napatawa nalang ako.

"Congrats Ate Donna."

"Che! Wag mo akong maate-ate dyan, Aila... hindi ka nakakatuwa." Napasimangot si Aila at hindi biro yun. Sobrang seryoso kasi ni Donna. Tinapik ko ang balikat nya at nginitian sya.

"Niloloko ka lang ni Don... ano ka ba?"

"Hoy... pero thanks Aila. Sigurado namang malaki ang part mo sa event na 'to. Nagsisimula palang ang party diba?" Sabi ni Donna. Nagkatinginan kaming apat. Ipinakita nya samin ang naibalik nyang singsing.

"I can't believe this, Guys! Magiging Villarreal na ako!"

"Donna Villarreal... woah! Bagay na bagay talaga." Sabi ni Shei. Nagyakap kaming lahat at paniguradong hindi lang ako ang nakaramdam ng panginginig ni Donna. Naging emosyonal na naman sya.

"Ewan ko ba pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko ngayon. Alam ko yung tungkol kay Jena, pero ito talagang kasal... wala akong kaide-ideya." Sabi ni Donna at nagsalitan ang mga tingin naming apat.

"Hindi ko alam na ngayon nyo ihaharap sa lahat si Jena. Hindi mo sinabi sakin."

"Hindi kasi ako pinayagan ni Jared."

Ay... mga traydor!

"Baka kasi makialam ka ulit Ate... tapos malaman mo pang si Kuya Jared naman talaga yung kumuha ng singsing ni Ate Donna. Gagamitin nya kasi si Jena para sa proposal nya eh. Baka mapurnada kapag may alam ka." Paliwanag ni Aila.

Ano bang pakialam ko ngayon?! Tama naman yung rason nila.

"Grabe naman kayo kay Heily... pero sabagay mabuti na rin yung ginawa nyo. Para sure."

"Ano ba yan Shei? Akala ko naman kakampihan mo na ako eh."

"Okay na... mag-ayos na kayo. Magkita-kita nalang tayo sa beach." Wala nang iba pang sinabi sina Tita Dana at Tita Selena samin. Umalis na sila.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon