CHAPTER 58

20 1 0
                                    

Heily's POV

"So, Heily... boyfriend mo na talaga si Grey?" Bigla tuloy akong napaisip. Naupo ako sa kama ko at hindi agad nakasagot.

Kailan ba? Kanina lang? Hindi ako na-inform.

"Ewan ko." Nausal ko.

"Anong ewan mo?" Napaisip na naman ako. Nahiga na ako sa kama at tumitig sa kisame.

"Ewan."

"Ewan?!"

"Ewan nga."

"Hindi mo alam?!"

"Don, ano ba? Ewan nga sabi eh, napupuno na ako sayo."

"Bakit kasi hindi mo alam?!" Parang naasar nya nang tanong. Naiimagine ko ang itsura nya habang salubong ang mga kilay nya.

"Nagtanong si Mama kung kami na daw, humindi ako pero umoo si Grey kaya nalito ako. Tapos binawi ko naman agad yung sagot ko, nag-oo ako, si Grey naman yung nag-hindi."

"Oh ano nga?! Kayo na ba talaga?" Napabangon ako at nagpapapadyak ng paa sa sahig.

"Tatanungin ko ba sya?" Tuliro kong tanong kay Donna.

"Yun ay kung gusto mong malinawan."

"Paano ko tatanungin eh Mokong yun?"

"Hoy Heily... itatanong mo lang naman eh, wag kang ano dyan." Napakamot ako sa ulo ko na akala mong nangangati sa sobrang daming kuto.

"Eh paano kung ibalik nya sakin yung tanong?"

"Ano ba kasing itatanong mo?"

Ang tino talagang kausap ng babaeng 'to.

"Hindi ko pa alam." Nababagot ko nang sagot. Narinig kong kausap nya si Jared sa kabilang linya pero hindi ko sila maintindihan.

"Heily. Pinapahanda ko na yung kotse kay Jared, pupunta kami dyan. Bye bye."

Huh?! What the?!

Hinagis ko yung phone sa unan ko at nahiga ulit. I'm doomed. Hindi nila dapat maabutan si Grey dito. Dali-dali akong bumangon para lumabas ng kwarto at bumaba. Pinuntahan ko sina Mama at Grey na nagbobonding sa living room. Prenteng nakaupo sa sofa at panood-nood nalang habang nagkukwentuhan pa. Meron din silang nakahandang snacks sa coffee table.

"Saan ka galing? Bakit hindi mo sinasamahan si Grey dito?" Bungad ni Mama.

"Mama, mag-uusap lang kami ni Grey. " Sabi ko sabay baling sa Mokong. Pinandilatan ko sya ng mata kaya naman napatayo agad sya.

"Sandali lang po Mama." Paalam ni Grey. Lumapit sya sakin, hinila ko sya papunta sa labas.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong nya at hinarap ko naman sya kaagad.

"Pupunta sila Donna dito."

"Tapos?"

"Tapos itatanong nila yung tungkol satin."

"Tungkol satin? Alam na naman nila yung tungkol satin diba?"

"Anong tungkol satin?" Tanong ko. Napakunot ang noo nya na parang nalilito na.

"Tayong dalawa ba? Hindi ba?" Hinawakan nya ang kamay ko. Tinitigan ko lang sya.

"Ano ba tayong dalawa?"

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon