CHAPTER 31

43 3 0
                                    


Heily's POV

Nasa field kami para sa PE class. Warm up tapos pinapatakbo lang naman kami ng pinapatakbo. Sabi ng Prof damhin daw namin yung fresh air dito, inhale, exhale, buksan ang isipan at pakawalan ang negative thoughts.

Ginagawa lang namin kung anong ginagawa't sinasabi nya. Matapos ang ilang minuto binigyan nya kami ng 20 minutes break.

Mabilis akong naupo sa madamong lupa. Tumabi sakin si Shei habang pareho kaming nakatingin kay Donna sa hindi kalayuan na halatang nagpapahinga pa sa lilim ng malaking puno. Mabilis mapagod ang lokang yun kahit simpleng pagtakbo lang. Napatingin sya sa gawi namin kaya sinenyasan ko syang lumapit samin.

"Si Donna?!" Napalingon kami ni Shei kay Jared. May dala syang bottled water. Binigyan nya rin kami ng tubig.

"Salamat." Nakangiti ko namang sabi.

"Salamat Jared, ayun nga pala sya oh." Pagturo ni Shei sa direksyon ni Donna.

"Ah sige salamat din." Tumakbo na si Jared palapit kay Donna. Hindi kami nag-iimikan ni Shei dahil nasa kanilang dalawa ang atensyon namin. Nakita ko kung paano sila tumingin sa isa't isa, kahit hindi nila sabihin, halata naman kung anong meron sa kanila.

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Hindi naman siguro seryoso dahil kung titignan naman, normal na pag-uusap lang. Parang wala silang pakialam na 20 minutes lang ang break. Nakikinig lang si Donna sa sinasabi ni Jared na may nalalaman pang hand gestures at maya-maya ay sabay silang tumawa.

"It doesn't matter if... they're arranged marriage. It seems, they don't even care." Napatingin ako kay Shei.

"Kasi mahal naman talaga nila ang isa't isa." Ngumiti si Shei saka tumango.

"Yeah. That's obvious." Bumalik ang tingin ko sa kina Jared at Donna.

"Look, I can't believe her. She's laughing because of Jared." Sabi pa ni Shei.

"Oo nga eh. Hindi ko mapatawa ng ganyan si Donna, bihira ngumiti at tumawa. Hindi nga rin nagpapa-cute yan eh, pero makikita mo syang mag-pout at magugulat ka dahil dun."

"Weird." Sumang-ayon ako sa kanya.

"Saka isa pa walang kwentang kausap yang si Donna. Ang tipid na magsalita, pipilosopuhin ka pa. Yung tipong magtatanong ka, tanong din ang isasagot sayo." Pabiro ko at biglang tumawa si Shei.

"I agree." Hindi nya naman inalis ang tingin sa kanila kaya napatingin nalang ulit ako.

Mukhang perfect match na nga sila.

"Haish! Nakakapagod." Naupo rin si Royl sa likuran ni Shei at sumandal.

Sige, sandalan nyo ang isa't isa.

"Royl."

"Hmm??"

"Gusto mong tubig??" Tanong ni Shei sa boyfriend nya. Inalok nya ang tubig na bigay ni Jared.

"Okay na ako dito. Tanggal na ang pagod ko." Tinignan ko lang sila nang mahiga naman ako. Malilim din naman dito. Masarap ang simoy ng hangin. Ipinikit ko ang mga mata ko.

"Pagkatapos ng college at nagkaroon na kayong dalawa ng trabaho. Magpapakasal ba agad kayo??" Tanong ko. Bigla namang may humampas sa binti ko at alam kong si Shei yun.

"Ano?! Kay Jared at Donna ka magtanong ng ganyan."

"Kung may pagkakataon, bakit hindi?!" Sabi ni Royl.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon