CHAPTER 13

55 2 0
                                    

Heily's POV

Matapos ang buong araw namin sa klase. Sabay-sabay kaming lumabas ng room at katulad ng napag-usapan... pupunta kami sa shop ni Papa para kumain. Nilingon ko si Donna nang lumapit sya sakin... kasama nya si Jared.

"Sandali lang Heily. Nasa room pa kasi sina Shei at Royl eh... hintayin natin silang makalabas." Hindi ko pinansin ang sinabi nya dahil awtomatikong tumama ang paningin ko sa magkahawak nilang kamay ni Jared.

"Sure." Mabagal na pagkakasabi ko habang dahan-dahang napaturo sa mga kamay nila.

"Wag nyong ipakita sakin yan." Bitter na sabi ko pa kaya napilitan silang magbitaw sa isa't isa.

"Inggitera." Mahinang sabi ni Grey kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Mokong ka... baka ikaw yun."

"Inggitera ka." Ulit nya at hinampas ko sya ng malakas sa braso nya.

"MOKONG!!"

"Inggiterang Bubwit!!" Babatukan ko sana sya kaso lang agad syang naglakad palayo.

"Bwiset na yun." Bulong ko sabay baling ulit kina Don at Jared. Napaamang ako sa kanila nang makita ko ang mapanukso nilang ngiti.

"Naku!! Parehas lang naman siguro kayong naiinggit." Pang-aasar ni Donna kaya inirapan ko sya saka ako umiwas ng tingin sa kanilang dalawa.

Maya-maya pa... lumabas na ng room sina Shei at Royl. Lumapit sila samin.

"Salamat sa paghihintay. Halika na." Sabi ni Shei at tumango nalang kami. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at natatanaw ko pa ang nauunang si Grey.

"Guys." Napatingin naman kami sa pagtawag ni Shei.

"Hindi ako magtatagal, kailangan kong umuwi ng maaga." Malungkot na sabi nya at bigla naman syang inakbayan ni Donna.

"Okay lang. Kakain lang naman tayo nang sabay-sabay... diba Heily??"

"Oo... sagot ko na."

"Salamat at naiintindihan nyo ako." Masayang sabi ni Shei at napansin ko ang pagiging seryoso ni Donna. Lumayo sya kay Shei sabay....

"Hindi kita naiintindihan. Kung sila siguro naiintindihan ka... ako hindi."

"Donna." Saway ni Royl sa kanya.

"May problema ba Donna?? Ano bang nagawa ko?"

"Naiinis ako sayo at yun ang problema mo... kung may nagawa ka man, yun ay ang hindi magsabi saming mga kaibigan mo na may problema ka at may gumugulo sa isip mo. Yun ang dahilan kaya naiinis ako sayo." Natahimik kami habang naglalakad palabas ng school. Hanggang sa makarating kami sa shop ay wala nang naglakas loob na magsalita. Tinignan ko si Donna.

"Tuloy kayo." Napapahiyang sabi ko pa sa kanila. Papasok na sana si Donna at Jared nang....

"Sandali lang." Pigil ni Shei sa kanilang dalawa.

"Sorry Donna... hindi ko kasi nasabi sa inyong may problema ako." Sabi pa ni Shei.

"Edi magsabi ka... hindi ko kasi kailangan ang sorry mo." Masungit na sabi naman sa kanya ni Donna sabay pasok sa loob ng shop. Bumaling ako kay Shei at halata ang panlulumo nya dahil sa sinabi ni Donna. Lumapit ako sa kanya.

"Wag mo isiping galit si Donna. Ugali nya na talaga ang magsungit. Wag kang mag-alala, okay?? Once na magsabi ka sa kanya ng problema... siguradong tatamaan ka sa mga sermon nya pero... nasisiguro ko naman sayong the best ang magiging advice nya." Sabi ko sabay hila sa kanya papasok sa loob ng shop. Nakasunod naman si Royl samin. Naupo kami sa kinapupwestuhan nina Donna.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon