CHAPTER 64

44 1 0
                                    

Donna's POV

Hinawakan ko ang kamay ni Heily at tinanggal ito sa pagkakasalampak sa mukha ko. Naramdaman ko ang pangangalay ng binti at paa ko kaya mabilis akong napabangon para makawala ako sa pagkakayapos ni Aila sa hita ko. Ramdam ko rin ang dibdib nya sa tuhod ko.

What's on her mind para gawin akong lounger at dapaan nya?

Inugoy-ugoy ko si Aila pero hindi ito nagising. Hinila ko nalang sya para pagilidin, ang kaso hindi ko nakayanan ang bigat nya kaya naman dumiretso sya at halos madala nya pa akong malaglag sa sahig.

Haishh!

"Who's that?!" Sigaw nya at dali-daling tumayo. Lumingon-lingon pa sya sa paligid na may kasabay na ready-to-fight pose.

What... the....

Agad akong kumuha ng unan at ibinato sa mismong pagmumukha ni Aila. Hindi ako makapaniwala sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ako o matatawa sa kanya.

"Ano ba?!" Sabay pang sigaw sakin nila Aila at Heily.

"Bakit mo ako inagawan ng unan?!" Tanong sakin ni Heily, naging dahilan naman yun para sa kanya ibato ni Aila ang unan.

"Inilaglag mo na ako sa kama, binato mo pa ako ng unan?! Tama ba naman yun?" Reklamo naman ni Aila saka napahikab habang kinukusot ang mata nya.

Itigil mo yan! Bakit kagandang babae parin kasi neto eh?!

"Sorry ah?! Hiyang-hiya naman ako sa ginawa nyo sakin!" Nasabi ko nalang. Hindi ko na ulit pinagbalingan si Aila.

"Eh bakit mo naman kasi inihulog?!" Kunwari'y nakikisimpatya sya kay Aila nang magtanong sakin.

"Basta! Nakakainis kasi yang pagmumukha nya eh. Tao pa ba talaga sya?"

"Anong sinabi mo?!" Lalapit na sana sakin si Aila nang ipakita ko sa kanya ang kamao ko para pagbantaan sya. Napatawa nalang si Heily, bumangon na rin sya.

Tignan mo, naka-pout pa sakin!

"Wag na kayong mag-away, pareho naman kayong dyosa parin kahit bagong gising." Sabi nya samin.

Eh nakakaasar kasi, nagkakasala ako kay Jared! Nalelesbiana pa ako kay Aila. I mean...

"Mas maganda kaya ako!"

"Tignan mo, inggit ka lang talaga sakin eh!"

"Tigilan mo na! Tulungan mo akong tumayo... bwiset ka kasalanan mo 'to eh. Ang lawak-lawak ng kama... katawan ko ang hinigaan mo!"

"Sorry naman, hindi ko alam." Inilahad nya ang dalawa nyang kamay. Kumapit ako dito at inalalayan nya akong tumayo. Tinignan ko si Heily.

"Isa ka rin, kung makakuyumos ka sa mukha ko, wagas! Salamat ah? Dahil sa ginawa mo nagising ako."

"Sorry din, akala ko si Raul ka eh."

Siraulo?!

"Aba't sinong sinasabihan mong----"

"Si Raul kasi! Raul." Mariin nyang pagkakasabi. Sabay tuloy kaming napatango ni Aila.

Ahh... hindi kasi nililinaw eh.

"Teka! Sino si Raul?!" Gulat kong tanong.

"Oh stuffed toy, wag kang ano dyan." Napatangu-tango nalang ulit kami. Sinenyasan nya na kaming lumabas ng kwarto.

"Ayos ah? Pinangalan mo pa talaga." Sabi naman ni Aila habang akay-akay parin ako.

"Ganun talaga, para feel." Napatawa ako sa sinabi ni Heily. Tinulungan nya na rin si Aila sa pag-aalalay sakin. Daig pa tuloy ako ng mga matatandang kayang-kaya pa ang pangagatawan nila.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon