CHAPTER 5

71 7 0
                                    

Shei Guevara's POV



Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko simula nung pumasok ako sa room namin. Ang weird ng mga kaklase ko ngayon. Binago ng class president namin ang seating arrangement.

"Walang magpapalit ng upuan! Kung saan kayo pinaupo dun lang kayo! Nandito na rin yung first section kaya simulan na natin!" Sabi naman ng Vice president at kasabay nun ang  pagpaskil nya ng listahan ng mga pangalan namin na may number kung saan kami uupo.

Bakit hindi ko yata alam na may pagbabago ngayong araw? Nang makita ko kung saan ang pwesto ko agad akong pumunta sa upuang yun pero napatigil din ako. No. No way! Agad akong bumalik para tingnan ulit ang number ng upuan ko. Napabuntong hininga nalang ako at muling lumapit sa kanila. Nahihiya pa akong umupo sa pagitan nila. Talagang nasa gitna pa ako nina Heily at Donna! Hindi ako makakibo. Lumingon naman ako sa next row at nagulat akong makita yung mga taga-first section. Hala?! Si Royl 'to diba?

"Hi there!" Nakangiting bati sakin nung mukhang suplado kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kanila. Agad akong napasubsob sa desk ko.

"What's wrong Shei? Nagulat ka ba?" Naiangat ko naman ang tingin ko kay Donna. Umayos ako ng upo at sumandal. Oh I see, mukhang planado nila kaya nangyari 'to. Ano namang gagawin nila sakin?

"Hey!" Tiningnan ko ulit yung suplado sa likuran ko. "By the way Ms.Guevara, I'm Grey Fuente. Ito naman si Jared Villarreal at si Royl Florencio, kilala mo naman yang dalawang katabi mo diba? Nice to meet you. Don't worry, kaming bahala sayo."

Ano daw?! Napatingin ako kay Royl, nakita ko rin yung bulaklak sa ilalim ng upuan nya. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. "Anong tinitingin-tingin mo?" Masungit na sabi nito sakin kaya naman napaiwas ulit ako sa kanila. Bakit ako nandito? Maya-maya pa, dumating na ang Prof. Nagsimula na ang klase at hindi ako makapag-focus dahil ang awkward ng feeling ko.

"Tinatamad ako, nakakatamad." Rinig kong sabi ni Heily.

Hindi ko nalang pinansin at pinilit kong makinig sa discussion. "Nakakatamad talaga." Mahina namang sabi ni Donna kaya napatingin ako sa kanya.

Narinig ko naman na may humikab sa likuran ko. "Nabobored na ako." Nilingon ko si Jared. Si Royl naman parang inaantok, habang nakasubsob si Grey sa desk nya. Grabe naman sila! Nagpatuloy ang pagdidiscuss ng Prof. Hindi parin ako makapaniwala na katabi ko ang mga 'to. Tinignan ko si Heily at Donna... hindi sila intresado sa itinuturo ng Prof. May biglang sumipa ng upuan ko pero hindi ko nalang pinansin. Halos maya't maya kung guluhin ako ni Grey, pero syempre tiniis ko nalang.






***
Matapos ang first, second, at third period namin. It's break time.

"Tara na, libre ko kayo." Sabi ni Royl sa mga kasama nya at sabay-sabay silang naglakad palabas ng room.

"Nice naman, baka masanay kami nyan?!" Natatawang sabi ni Jared.

"Well, sanay na nga kami." Sabi naman ni Donna pero hindi ko nalang sila pinakinggan pa hanggang sa makalabas na nga sila nang tuluyan sa room. Naririnig ko parin ang tawanan nila kahit nakalayo na sila sakin. Mabuti pa sila, magkakasama. Ako, mag-isa. Inayos ko naman ang gamit ko at inilagay lahat sa ilalim ng desk.

Kinuha ko na rin ang bag ko sabay lakad palabas ng room. Nang nasa pintuan na ako, sabay-sabay silang tumingin sakin. Akala ko ba nakaalis na sila para mag-break? O baka tatambay lang sila kasi hindi pa naman talaga lunch time? "Tara tara!" Bigla akong inakbayan ni Jared kaya naman binatukan sya nina Heily at Donna dahil para mapabitaw sya sakin.

MY HEART'S ALREADY SPOKENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon