2. My bloody Mary

498 17 0
                                    


                    
             ***Hazel Lou's POV***


                     Isa sa mga araw na ayaw ko, pero gusto kong maranasan kasama niya. Halloween parties. Noon, lagi akong nagtatago sa bahay sa araw na yun kasi nga bawal. Bawal matakot, bawal mastress.

                   Sa Halloween, ang naaalala ko ay takutin si Marlo. Dahil hindi ako pwedeng matakot, ako na lang ang nanakot. Kaya ngayon, nakatayo ako sa harapan ng salamin habang hinintay na sunduin ni Kaye, kahit ako natatakot sa sarili ko.

                   First time kong isuot ito. Sa ngayong gabi, hindi ako si Hazel. Ako si bloody Mary. At biglang may kumatok.

" Hazel?" 

" Pasok po..."

                 Sagot ko at narinig kong pumasok siya. Nang lumingon ako, nakatayo siya sa pintuan at nakangiti. Naupo siya sa paanan ng kama ko habang inaayos ko ang buhok ko.

" Bakit Bloody Mary?" Tanong ni mommy

                Lumingon ako at naupo sa tabi niya.

"Sabi ni Marlo, mas exciting daw kapag yun ang napili ko. " mahinang sagot ko

                Napatingin ako sa kanya. Halatang pinipigilan niyang tumawa kasi nakatakip ang kamay niya sa bibig niya.

"Mommy naman eh. Baka matakot si Kaye at takbuhan niya ako. Nakakatakot ba ako?"

                 Mas nilapit ko ang mukha ko para mas makita niya. Ang buhok ko ay parang hindi nagsuklay ng isang buwan at syempre bloody Mary, kaya, Alam niyo na. Si Mommy naman ay mabilis na tumayo at naglakad papunta sa pintuan.

"nakakatakot nga" bulong ko sa sarili ko.

                    Tumayo ako at lumapit uli sa salamin. Napahinga ako nang malalim habang nakatitig sa sarili ko at napakunot sa noo. Naramdaman kong napahawak si mommy sa mga balikat.

" Mahal ka naman niya" nakangiti niyang biro.

"mommy naman eh" napayuko lang ako sa takot at hiya.

"Nasa baba na siya. Uhhmm... Don't worry, bagay naman kayo." Tumawa siya uli ng malakas. Kaya lumingon ako sa kanya.

"Anong suot ni Kaye?" Tanong ko.

                      

         Naglakad siya uli papunta sa pintuan at nagsalita nang nakatalikod.

"Bumaba ka na para makita mo. "

                    Napahinga uli ako nang malalim bago ako lumabas ng kwarto. Well, if prom to, kasing ganda ko si Cinderella, pero dahil Halloween, ang witch yata ang naging kamukha ko. Napahinto ako ng makita ko siya. Kaye?

               



                       ***Kaye's POV***


                    Nang umuwi na ako pagkatapos kong bumisita kina Hazel, pinatong ko sa kama ang paper bag at kinuha ang laman nito. Dahan dahan kong sinuot ang costume at tumayo sa harapan ng salamin. Napahinga ako nang malalim at napakunot sa noo.

"Ano ba tong ginagawa ko?". Bulong ko sa sarili ko.

                   Nagulat ako nang biglang pumasok ang kapatid ko at napasigaw siya. Hawak hawak ko pa ang pelukang tinapon ko sa mukha niya.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon