***Kaye's POV***
*** Flashback*** two days before the parasailing)
Nang mkarating na kami sa hotel, napagod na yata si Hazel bigla siyang humiga sa kama at hindi na nakagalaw."Hazel Lou?" Bulong ko sa tenga niya.
Ngumiti siya kahit nakapikit pa rin ang mga mata niya. Alam kaya niya kung gaano ko kagustong bigkasin ang buong pangalan niya? Hazel Lou. Nagsimula sa isang pangalang nalaman ko hanggang sa minahal ko ang taong nagmamay ari nito.
" maliligo muna ako para makapaghanda na ako." Sabi ko.
Hanggang sa pagligo ay iniisip ko pa rin ng mga plano ko. Work at play. Gusto kong isama siya sa lahat ng pangarap kong gawin.. Takot ako sa heights pero may pagkaadventurous naman ako minsan. Pero kapag iniisip kong kasama ko siya, mas naeexcite akong gawin ang mga plano ko.
Nang lumabas na ako, nakahiga pa rin siya at nakatalikod sa akin. Yung sobrang binabagalan ko, nagbabakasaling gigising siya at sasamahan ako. Alam kong hindi niya hilig ang mga ganitong event, kaya ayokong iparamdam na pinipilit ko lang siya.
Bumabago na ang mundong kinagisnan ko dahil sa isang pangarap. Ayokong ipilit sa kanya, dahil kahit ako nahihirapang mag adjust.
Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisnge. Pero bago ako lumabas, lumingon uli ako sa kanya, umaasang sasama nga siya. Pero wala kaya pumunta na lang muna ako sa kwarto ng manager ko, nandoon na rin ang mga kabanda ko. Isang oras kaming nagprep, bago kami lumabas, hinintay namin ang manager namin habang may inaayos pa siya.
Ako naman ay busy sa kakahanap ng mga activities na gagawin namin ni Hazel. Hindi ko namalayan nasa likuran ko pala sila at binabasa ang mga binabasa ko.
"Diving?" Tanong ni Riana.
"Helmet diving" sabi ko.
Pero habang nagbabasa ako, napansin kong naging tahimik sila kaya binaba ko muna ang cellphone ko at tinanong sila.
"Bakit?"
Alam kong may gusto silang sabihin pero walang gustong magsimula
"Sabihin niyo na bago pa magbago ang isip ko".
" Bakit mo ginagawa yan?" Tanong ni Riana.
"Dahil girlfriend ko siya?" Sagot ko.
"Hindi siya si Trisha" biglang sinabi ni Mark na kinagalit ko na.
"Alam ko. Bakit? Kung gagawin ba namin ang mga bagay na gusto ni Trishia, mabubuhay siya?" Naiinis na tanong ko.
" Ngayong araw ay......." Dagdag ni Riana
"Huwag! Walang kinalaman ang araw na to. Mauna na ako. Magkita na lang tayo doon" tumayo ako at iniwan sila.
Naglakad ako papunta sa event at naupo lang sa buhangin. Nakatingala sa langit at mas naalala ko siya. Si Trisha. Ngayong araw ang death anniversary niya, kaya siguro medyo moody din ako. Magdadalawang taon na siyang wala na. Tanggap ko, masasabi kong nakamove on na, mayroon na rin akong iba. Pero tao lang ako, hindi ko maiwasang maalala.