35. The wrong turn

227 11 0
                                    



         ***FLASHBACK - TRISHA***

- 2 YEARS AGO.  (Before my mom's birthday)


                Nakaupo kaming lahat sa dining table. Sabi ni mommy, may pag uusapan daw kaming importante.

"May lung cancer ang daddy niyo. Terminal na daw. " sabi ni mommy

             Umiyak ng malakas ang kapatid ko. Ako naman ay hindi alam ang gagawin. Naupo lang ako at nakikinig.

"Kailangan niyo pong gumaling. Chemo at kung ano ano pa. " sabi ni Bea.

"Gusto ng Tito niyo na America siya magpagamot" paliwanag ni mommy.

"Pupunta kayo ng America? " tanong kapatid ko.

"Tayo" sabi ni Daddy at tumingin sa akin.

             Tumayo ako agad at naglakad ng paikot ikot .

"Paano si Kaye? " tanong ko.

"Uunahin mo siya?. Ang ama mo ay may sakit na terminal at uunahin mo pa ang ibang tao" galit na sabi ni mommy.

               Mahal na mahal ko ang pamilya ko. Sino ba ang pipiliin mo kapag ang kailangan ay isa lang? Paano ako magkakapamilya na kasama siya kung hindi ko kayang panindigan ang sarili kong pamilya?

                Nagmadali akong lumabas at pumunta sa isang lugar na hindi pa namin napuntahan at nagpakalasing. Sa bawat bote, iba't ibang plano ang naiisip ko. Paano ko ba sasabihin sa kanya? Paano ako mamimili sa kanila?

                     Bigla akong tumayo at nagmadaling umuwi uli. Nang makarating ako sa bahay, natutulog na ang kapatid ko kaya umakyat ako sa kwarto ng magulang ko.

"Trisha! Amoy alak ka na naman. Kasama mo na naman ba siya? " galit na tanong ni Daddy.

                Tumayo ako sa harapan nila, namumula ang mga pisnge sa alak at halos pasuroy suroy ang paglalakad pero nakakapag isip pa ako ng mabuti.

"Dalawang taon... Bibigyan ko kayo ng dalawang taon para sundin ang lahat niyo. Pagkatapos ng dalawang taon, huwag na huwag niyo kong pipigilan kung babalikan ko siya. Ako na ang bahala. Pero kailangan niyo akong tulungan." Sabi ko.

                 Nang sumunod na araw,  nagpatuloy ito na parang wala lang. Sa bawat pagkanta ko, sa bawat pagngiti ko, sa bawat halik ko, yun na pala ang huli kasama niya. Bago ako magpaalam sa gabing yun, iniwan ko ang singsing sa kanya, nagsasabing "iniwan ko muna ng puso ko at sana habang buhay mong pipiliin ito.".

                  Habang nasa gig si Kaye, at nasa labas kami ng pamilya ko. Nangako akong pupunta ako, nangako akong dadating ako. Tinawagan ko si Kaye. Pero nang marinig ko ang boses niya, na maramdaman kong kailangan niya ako, hindi ko mapigilang puntahan siya.

" sorry nagstart na ba?" Tanong ko

"Malapit na. Papunta ka na ba?"

" hindi. Naghahanap pa ko ng tyempo. ~~~~~. Kailangan ko nang umalis" paalam ko sa kanya habang pinipigilan kong umiyak.

               Si Daddy ay may kinakausap na iba at naiwan niya ang cellphone niya at susi ng kotse sa mesa. Naupo uli ako at dahan dahan kong kinuha habang abala ang kapatid ko.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon