***Kaye's POV***(after the trip)Dalawang araw na akong hindi nakatulog. First day ng pasukan uli. Dati, ang saya kong gumising sa umaga kasi makikita ko siya. Ang dahilan kung bakit lagi akong masaya. Pero ngayon, gigising pa rin ako ng para sa kanya, pero hindi gaya ng dati, hindi ko siya kasama.
"Good morning Hazel" Bati ko sa kanya sa telepono.
"Good morning Kaye. Nasa trabaho ka na?" Ang sarap marinig ng boses niya sa umaga.
Habang nagsasalita siya at nagkukwento, nakapikit lang ang mga mata ko. Iniisip lang kung ano ba ang ginagawa niya habang kausap ako, nakabihis na ba siya paalis, kumain na ba siya, ano ba ang panaginip niya o nakatulog ba siya? Yun ang mga tumatakbo sa isip ko habang nagsasalita siya.
"Mamimiss kita sa school" minulat ko uli ang mga mata ko at dama ko ang lungkot niya.
"Ikaw din. "
Biglang tinawag na ako uli para sa morning show na gagawin namin.
"Haze, tatawag na uli ako mamaya. Magsisimula na kasi. I love you" nagmamadaling sinabi ko.
Ayokong ibaba ang tawag. Kung pwede lang magtrabaho at pakinggan ang boses ni Hazel ng magkasabay, mas gugustuhin ko.
Maaga kaming nagsimula pero almost 7pm na ako nakauwi. Drained na rin ang battery ko, pati na rin ang buong katawan ko. Kaya nang makauwi na ako, nagcharge ako at nakatulog agad. Hindi ako nakalagay ng alarm at naka-off din ang cellphone ko. Yung bigla ka na lang napatayo kasi akala mo late ka na. Hinanap ko ang cellphone ko at nagulat ako ng makitang 10:30 pm na pala. Hindi man lang ako nagparamdam Kay Hazel.
Nag isip ako ng paraan para makita siya. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Kaya hinanap ko ang maliit na rechargeable lamp ko, picnic basket pero wala pala akong pagkain.. Nagmadaling akong lumabas at naghanap ng drivethru.
Bagong style ng picnic. May picnic basket ka nga, ang laman ay jollibee.?.. Nang makarating na ako sa bahay nila, bukas pa ang ilaw ng kwarto ni Hazel. Nagdoorbell ako pero si Daddy niya ang lumabas.
"Kaye, alam mo ba kung anong oras na?" Tanong niya at binuksan ang gate.
"Sorry po Tito. Gising pa po ba si Hazel? " tanong ko.
Tumingin si Tito sa kwarto ni Hazel at nakitang bukas pa ang ilaw ng kwarto niya.
"Gusto mo bang pumasok sa loob?"
"Pwede po bang sa garden na lang ako maghihintay sa kanya? Tatawagan ko lang siya" sabi ko at tinaas ang picnic basket na hawak ko.
Ngumiti na lang si Tito.
"Sige. Bawal lumabas. Mauna na akong matulog."
"Yes po thank you. Goodnight po." Sabi ko.
Pumasok na siya at inayos ko sa garden ang picnic basket. Kinuha ko ang bouquet na pinilit kong bilhin sa isang tindahan na paalis na sana ang may ari at nilagay ko sa labas ng doorstep nila. Naupo uli ako sa ilalim ng puno at tinawagan siya.
Pagkatapos niyang lumabas at ngayong nakatayo na sa harapan ko, halos hindi siya nagsalita o gumalaw. Ang hirap pala ng ganito. Sabi nila, mahirap ang LDR. Mas mahirap din ang magkaroon ng close-distance relationship. Sa sobrang lapit na halos iisa lang ang hanging hinihinga niyo, ang lupang inaapakan niyo, ang lugar na tinitirhan niyo pero magkaiba pa rin ang Mundo niyo.