***Kaye's POV***
Pagkatapos ng isang gabing halos hindi ko maalala, nasa bahay kami ng manager namin. Nakasandal ang aking ulo sa likuran ng isang upuan at nakapikit ang mga mata ko. Nagising ako bigla nang may gumalaw sa upuan kaya lumingon ako.
"Nasa loob na tayo ng bahay, naka shades ka na naman. Di ka nakatulog?" Tanong ni Ariana
Biglang tumawa ang iba at nagsalita.
"Baka buong araw na tulog"
Kinuha ko ang unan sa leeg ko at tinapon sa kanila. Pumasok na ang manager namin at mukhang masayang masaya. May pinatong siyang folder sa mesa. Masayang binuksan ng iba. Biglang sumigaw si riana.
"Next week? Talaga? Oh my God. Mag iimpake na ako mamaya."
Nakaupo lang ako at nakatingin sa kanila. Huminto ang mga ngiti sa mukha nila ng makita ako. Bigla akong nacurious sa sarili kong reaction.
"Recording na. Isa sa mga pangarap natin. Pero, Kaye...." Mahinang sabi ng manager namin.
"Okay lang, kahit bukas pa tayo umalis, nakahanda na ang mga gamit ko." Kunwaring sagot ko.
"Bakit kasi hindi mo kausapin uli. I think there's miscommunicating" Biro ni Mark
Hinampas siya ng manager namin gamit ang isang envelope.
"Mag aAmerica na, mali mali pa rin ang grammar mo. Pagdating natin doon, huwag mong bubuksan ang bibig mo" sabi sa kanya
Habang nagtatawanan sila, lumalabas sa kabilang tenga ko kung man ang mga naririnig ko. Tahimik lang ako hanggang sa natapos na ang lahat at umuwi akong mag isa. Nag iisip habang nagmamaneho hanggang sa nakita kong nagbabantay ng taxi si Angelic at May kaya huminto ako sa tabi nila. Kahit umuulan ay lumabas ako at nilapitan silang dalawa na mukhang nagulat na makita ako.
"Ihahatid ko na kayo" sabi ko
"Okay lang kami " sagot nilang pareho.
"Please? " pakiusap ko.
Nagtinginan silang dalawa. May binulong si Angelic at tumango lang si May.
"Sige" sagot ni Angelic.
Malakas ang ulan at matraffic, pero tahimik kaming tatlo. Nasa likuran si Angelic at busy sa phone niya. Si May ay nakatingin sa labas at malayo ang tingin. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay ni Angelic ay walang may nagsalita. Kahit na dalawa na lang kami ni May ay tahimik pa rin siya. Sa isip ko, baka wala na akong pag asang malaman kung okay lang si Hazel.
Nang makarating na sa kanila, mahina na ang ulan pero hindi pa siya bumaba. Nakatingin pa rin siya sa malayo at nagsalita.
"Okay lang si Hazel. Or yan ang gusto niyang ipakita. Best friend ko siya, alam ko ang lahat sa kanya. Pero, lately, halos tinatago niya lahat. Nakita ko na siyang umiyak nang maraming beses. Pero ngayon, kahit sa amin, tinatago niya. Alam mo ba ang ibig sabihin noon?"
Hindi ako makasagot kasi kahit ako takot na malaman na ang isang sagot sa tanong ng lahat.
"Kaye, kailangan ka niya." Sabi niya