61. Stare at me and tell me what you see

209 10 0
                                    


                       ***Hazel's POV***

                     Matapos akong hinatid ni Kaye ay nahiga lang ako sa kama. Hindi ko kayang kumain o gawin ang kahit na ano. Iniisip ko ang unang beses na nakita ko siya sa classroom namin, na sana pwede kong balikan ang mga panahong kami lang dalawa.

               Kinuha ko uli ang cellphone ko. Matagal na akong hindi nakastalk sa kanya. Nakita kong posted niya ang bulaklak na binigay niya at may caption na heart. Nang makita ko ang mga comments, nagsisi na naman uli akong binasa ko pa. Bakit si Ellise ang iniisip nila? May mga nakasulat na kamukha niya si Trisha at....... Scroll ako ng scroll hanggang sa malapit na palang sumikat ang araw at narinig kong may kumakatok. Tinago ko agad ang cellphone sa ilalim ng unan ko at nagmadaling tumayo para buksan ang pinto.

"Yaaaaaahaahhhhh" sigaw ko sabay ang malakas na pagsira ng pintuan ko

                Kumatok uli si Marlo. Tumingin ako sa malaking salamin sa tabi ko. Ang buhok ko ay parang ilang buwang hindi nagkita ng suklay sa kakagulong ko, nakamaiksing shorts and tank top pa ako. Kinuha ko ang bathrobe at sinuot muna. Binuksan ko uli at nakatakip na ang mga mata ko kaya hinila ko siya sa kwarto.

"Sina mommy?" Tanong ko

"Natutulog pa. Si Tito ay kakaalis lang.. Paalis ako ngayon para sa taping namin sa umagang kay Ganda. Gusto mong sumama? Please? Kailangan lang kita doon ngayon." Pagmamakaawa niya

"Ano ako? Cheering squad mo?"

              Kinuha ko ang suklay ko at naupo muna para suklayin ang buhok ko. Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.

"Please? Hindi ko lang alam ang gagawin ko mamaya." Nalulungkot ang boses niya..

               Tumayo ako at may kinuha sa cabinet ko. Papasok na ako sa bago nang hinarangan niya ako uli.

"Please?" Inulit niya

                 Hinampas ko siya sa balikat.

"Maupo ka Jan. Maliligo muna ako. Kung gusto mong sumama ako, huwag kang gagalaw dyan o magsalita man lang." Utos ko

                  Tumango siya pero hindi nawawala ang mga lungkot sa mga mata niya. Kilala ko siya. Kaya alam kong may dahilan kung bakit niya ako isasama. Dahil nagmamadali na rin ako, nakasimpleng ripped jeans at blue shirt lang ako. Naupo ako sa dresser habang inaayos ang buhok ko. Lumapit si Marlo, hawak ang white sneakers kong galing kay Kaye. Naupo siya sa harapan ko at inangat ang kanang paa ko.

"Anong ginagawa mo? " biglang napataas ang boses ko at pilit na hinihila sa kanya.

"Ang ingay mo. Bilis. Baka malate na ako." Sabi niya

             Hinayaan ko na lang siya. Hindi ko namalayang napatitig pala ako ng mas matagal. Tumayo siya at ngumiti sa akin. Tumigin ako agad sa salamin para ayusin ang light make up ko. Minsan, nahuhuli ko siyang nakasulyap lang.

            Kung nagkakamali ang tadhana, nalilito din ba ang puso? Kung minsan kang naligaw, kaya mo bang balikan ang taong iniwan mo? Kung kaya kong balikan ang dati, pipiliin ba kita para lang ibalik si Kaye sa kanya?

                        Umalis kami at medyo madilim pa. Pumunta kami sa AB-S studio dahil sa morning show niya. Nakaupo siya sa gitna, kasama ang mga hosts habang naghahanda. Nakaupo ako sa dulo hanggang sa nakaidlip pala ako. Minulat ko ang mga mata ko nang may narinig akong nagsasalita. Nang tumingin ako sa kanya, nakatingin din pala siya.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon