***Hazel's POV***
Nang makarating kami sa ospital, nakaupo si tita at nagbabasa. Nagmadaling lumapit si Marlo sa kanya at niyakap siya agad. Ngumiti si tita sa akin at inabot ang isang kamay niya.
"Good evening po tita" bati ko at hinalikan siya sa pisnge.
Tumayo ang daddy ni Marlo at niyakap ako. Nilapitan siya ni Marlo at may binulong pero tumango lang siya at hindi nagsalita.
"Haze, ikaw na muna bahala dito. Sasamahan ko lang muna si Daddy na kumain sa labas at may dadaanan lang ako. May gusto ka bang kainin?" Tanong niya
Nakangiti lang si tita habang kinakausap ako ni Marlo. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit bago siya umalis kasama ni Tito.
"Kamusta po ang pakiramdam niyo? Hindi pa kayo inaantok?" Tanong ko
Hinawakan niya uli ang kamay ko at pinaupo sa tabi niya.
"Minsan na lang kita nakikita, matutulog pa ba ako?" Sabi ni tita
Pareha sila ni Marlo na napakalambing.
"I'm sorry po." Umiiyak na sabi ko.
Tumingin siya sa akin at pinigilan ang mga kamay ko sa pagpahid ng mga luha ko.
"Bakit ka umiiyak? At bakit ka nagsosorry?"
"Dahil po sa nangyari sa amin ni Marlo. Sorry po at hindi ko sinabi agad. " paliwanag ko
" hindi na ba talaga pwedeng ibalik ang dati? " tanong niya
Tumigil ako sa kakapunas ng mga luha ko at tumingin sa kanya.
"Uhmm. Kasi po." Sabi ko
"Mas mahal mo na siya? " tanong niya.
Yumuko na lang ako at tumango sa kanya. Hindi ko alam paano sasabihin na ako naman talaga ang sumuko, at hindi ang anak niya.
"Hazel, hindi naman ako galit sa yo. Pero nanghihinayang ako. Ikaw lang ang minahal ng anak ko ng ganito. Minsan, naiisip ko, kung iiwan ko man siya, mas masaya ako kung kasama ka niya" malungkot ang boses niya
"Tita, kailangan niyo pong magpagaling. Please? " halos naiiyak na sabi ko
Ngumiti lang siya at nahiga na. Naupo lang ako sa tabi niya, nakahawak sa kamay niya hanggang sa nakatulog na nga siya. Pagkatapos ng halos 30 minutes ay nakabalik na rin si Marlo.
Pinatong ni Tito ang hawak niyang bag sa mesa at nagmadaling nilapitan si tita. Nakatingin lang ako sa kanila at naiisip ang sarili. Kung ako ang nakahiga sa kamang yan, kaninong kamay kaya ang hawak ko?
Naramdaman ko ang kamay ni Marlo sa balikat ko kaya lumingon ako sa kanya.
"Ihahatid na kita. Masama din sa yo ang mapagod" mahinang sabi niya
Si Tito ay tumango lang at hinalikan ang kamay ni tita. Naupo siya sa tabi ni tita at sinandal ang kanyang ulo sa kama. Kinuha ni Marlo ang bag ko at sabay kaming lumabas.
"Okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya
Hindi ako nakasagot agad at nakatitig lang ako sa kanya.