7. seal it with a kiss

355 15 5
                                    

                    

                                          ***Kaye's POV***

                         Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog. Pero nang minulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Hazel na nakaupo sa tabi ng kama ko, nakasandal ang kanyang ulo sa kama at mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

                  

                  Hindi pa ako handang gumalaw o gisingin siya pero uhaw na uhaw na talaga ako. Dahan dahan kong kinuha ang kamay ko. Mabuti naman at hindi siya nagising. Tumayo ako at nakailang hakbang pa lang ako nang bigla niya akong tinawag.

"Kaye?"

                Lumingon ako sa kanya, bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Hinawakan niya agad ang noo ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Halos maiyak na siya ng tinanong niya ako.

                 Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya. Napangiti ako na makitang mahal nga niya ako.

"Bakit ka nakangiti?" Tanong niya.

"Kasi mahal mo nga ako" at hinawakan ko ang pisnge niya.

                 Pinikit niya ang kanyang mga mata at biglang bumagsak ang kanyang mga luha. Masama bang maging maligaya na makita siyang ganito? Pero sandali lang pala. Nang minulat niya ang mga mata niya, biglang magkasalubong na ang kanyang mga kilay at hinampas niya ako ng ilang beses sa braso.

"Aray.." Sigaw ko.

            Pero hindi siya tumigil at mas umiyak pa siya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

" shhhh. Tahan na. Lagnat lang yun. Malayo sa bituka. Okay na ang pakiramdam ko." Paliwanag ko.

                    Niyakap pa rin niya ako ng mahigpit pero hindi na siya umiiyak.

"Pero nauuhaw na talaga ako"

                     Binitawan niya ako at pinaupo uli sa kama. Nagmadali siyang lumabas at nang bumalik siya, may dala na siyang tubig. Inabot niya sa akin at naupo sa tabi ko.

"I'm sorry." Bigla niyang sinabi.

"Para saan?"

              Pinakita niya ang kamay niyang may singsing at naalala ko ang nangyari kagabi, o madaling araw na yun.

"I'm sorry kasi bigla akong umalis. Hindi yun dahil ayoko ng ginawa mo kasi gustong gusto ko. Siguro natakot lang akong masaktan. Takot akong mahalin ka ng sobra sobra kasi ang to too, mahal na kita ng higit pa. Takot lang akong aminin para Hindi ako masaktan kung sakaling...."

               I know may sakit ako. Pero kapag nakikita ko siyang umiiyak sa harapan, hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Kaya hindi pa niya natapos ang sinasabi niya, bigla ko siyang hinalikan. Nakahawak siya sa buhok ko at pinakagusto ko ay yung nilalaruan niya ang buhok ko, pinapaikot ikot sa mga daliri niya habang hinahalikan ako.

" Hayaan na natin ang bukas. Mahal na mahal kita Hazel Lou. Yan lang ang isipin mo. Kasi kung labis kong iisipin ang bukas, gusto agad kitang pakasalan. Pero ayokong magmadali para lang patunayan sa lahat na mahal nga kita. Kasi, sapat na sa akin na naniniwala ka. Hangga't lumalaban ka, hindi ako susuko."  Sabi ko.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon