72. Behind the reason

232 10 0
                                    

                     

          ***Hazel's POV***

                      Dahil sembreak na, sumama muna ako sa hometown ni Angelic. Sa Batangas. Sembreak nga pero pumunta yata ako rito para magkulong. Ilang araw nang hindi kami nagkita ng araw, kahit na ang buwan. Siguro, ako ngayon ang taong hihilingin sa batas na sana hulihin ako para lang may dahilan akong magtago.

                      Nagdadabog na pumasok si Angelic at naupo sa tabi ko.

"Hazel! Gumalaw ka naman. Buhay ka pa pero namamatay na ang katawan mo. Choice mo ang lumayo di ba? Eh di panindigan mo. Lalabas ka ba ng kwarto o palalayasin pa kita? " galit na tanong niya

                    Naupo ako at napabuntong hininga.

"Wow. Sorry na. Saan kayo pupunta?" Tanong ko

"Sa dagat" maiksing sagot niya

               Tumango ako at inayos ang buhok kong ilang araw nang Hindi nasuklay. Nauna siyang lumabas at maya maya at sumunod din ako. Maganda ang dagat dito. Kahit hindi ako magaling lumangoy. , pakiramdam ko, tinatawag ako ng dagat dito.

                  Habang naglalaro ang iba at nakaupo lang ako malapit sa tubig, may tumawag sa pangalan ko kaya lumingon ako. Tumayo ako agad ng makita ko si Trisha na naglalakad malapit sa amin. Si Angelic ay nasa tabi ko at nakatingin lang din kay Trisha.

                Kinuha niya ang suot niyang sunglasses ang ngumiti sa amin.

"Finally. Ang galing talaga ni Kyle." Sabi niya

              Lumingon siya at kumaway sa lalaking nakatayo sa tabi ng pinsan ni Angelic.

" ang ganda dito. If I had a few more days to stay, dito ko gagawin. "

                Tumigil siya sa pagsasalita nang makita kaming nakatingin lang ako sa kanya. Tinaas niya ang dalawang kamay niya.

"Hazel, pwede ba tayong mag usap? Please? Kahit sandali lang. After this, you won't see me again" sabi niya

                  Tumingin lang ako kay Angelic at tumango siya.

"Huwag kang magkakamali. O ipapatikim ko sa yo ang dagat. Hazel, dito lang ako sa kabila." Sabi ni Angelic

                      Naupo si Trisha sa buhangin. Nakatingin siya sa dulo na parang ang lalim ng iniisip.

"Bakit ka umalis?" Nagulat ako sa tanong niya

                  Naupo ako sa kaliwang banda niya at napayakap sa mga tuhod ko.

"Di ka ba masaya?" Mahinang tanong ko na akala ko di niya narinig

"I should be. Pero............ "

               Medyo nanginginig ang boses niya.

"Mahal ko si Kaye. Mahal na mahal ko siya. " diin niya

               Hindi ko alam ang isasagot kaya mas pinili kong hindi magsalita.

"Mas mahal ko siya kaysa sa pagmamahal mo sa kanya." Dagdag niya

                 Galit ko siyang tiningnan.

"Hindi ka sang ayon? " pilit niya

              Galit ako at tatayo na sana  para iwan na siya pero pinigilan niya ako.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon