***Kaye's POV***Nakaupo ako sa meeting room habang nag oorganize ng meeting. May guesting sa concert, meetings, punta ng studio, halos hindi ko alam paano pagkasyahin ang araw na ito. Kahit ang oras sa paghinga ay halos kulang na. Sa bawat oras na nasa trabaho ako, si Hazel lang ang iniisip ko. Baka kasi isipin niya na bumitaw na ako. Matapos ko siyang halikan ay naglaho na naman ako.
"Pwede ba akong dumaan sa place ko muna? May kukunin lang akong mga gamit bago tayo pupunta sa meeting?" Tanong ko sa manager ko.
"Sige. Bilisan mo, kasi late na. May appointment din tayo sa umaga kaya sabay na lang kayo ni Mark, malapit lang naman ang place niya.. Go... " sagot niya
Nagmadali kaming umuwi muna. Nauna kaming bumaba sa condo ni Mark, di naman kami nagtagal kasi naghihintay na sa baba ang girlfriend niya at inabot sa kanya ang pinapakuha niya. Nainggit na naman ako.
"May naiinggit. Magkasalubong ang mga kilay" Biro niya habang nagmamaneho papunta sa place ko
"Bakit ako maiinggit? Meron naman ako. Di naman kami nagkahiwalay. Bitter ka lang" sagot ko
"Di ako bitter, masaya lang talaga ako..." Kanta niya
Nang makarating siya sa parking lot ay iniwan ko muna siya at nagmadaling umakyat. Nagulat akong makita na nakaupo si Hazel sa labas ng unit ko. Nakasandal sa tabi ng pintuan at nakapikit na ang mga mata. Naupo ako sa harapan niya, nakatitig lang sa kanya pero hindi niya nahalata.
Tumayo ako at dahan dahang pumasok pero hindi pa rin siya naggising. Nagmadali akong nagbihis at nilagay sa bag ko ang mga kailangan ko. Pagkatapos ay lumabas na ako pero natutulog pa rin siya. Kaya naisipan kong umalis na lang at iwan siya. Pero habang nakatayo na ako sa elevator at papasok na sana, hindi ko na kayang igalaw ang mga paa ko. Huminga ako nang malalim at nagmadaling binalikan siya.
Naupo uli ako sa harapan niya at hinawakan siya sa pisnge. At least ngayon, may dahilan akong hawakan siya. Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya at tumayo agad kaya medyo naoutbalance na naman siya. Hinawakan ko siya sa baywang at nabitawan niya ang hawak niyang paper bag.
Nakatitig lang kami sa isa't isa. Kung pagbibigyan ko ang puso ko at huwag makinig sa isipan ko, gusto kong lapitan siya at halikan kahit pa makita ng iba o abutin man ng umaga. Nagbuzz ang cellphone ko kaya lumayo siya at kunwari kinuha ang paper bag. Binasa ko ang text...
"Nasaan na kayo?" Text ni manager
Pinatay ko muna ang cellphone ko at tumingin uli sa mga mata niya.
"Kailangan ko ng umalis. May hinahabol kaming oras. Umuwi ka na." Sabi ko
Inabot niya ang paper bag sa akin.
"Nagtry kasi kami ni mommy na magluto ng cupcake. Tinuruan niya ako. Naisipan kong bigyan ka. Sorry kasi medyo, hindi perfect. Kung ayaw mo, okay lang sa akin na itapon mo. Sige ingat ka. Aalis na rin ako." Sabi niya
Tumalikod siya at naglakad papunta sa elevator. Nakatayo lang ako at nag iisip ng tama sa mali, ang kailangan kong mawala at kailangan na mauna. Nakasunod ako sa likuran niya. Kahit nagmamadali siyang makalayo ay naabutan ko pa rin siyang naglalakad. Nagmadali akong makalapit sa kanya. Nagulat siya nang bigla kong hinawakan ang kamay niya at sabay kaming naglakad papunta sa parking lot. Nakasandal sa kotse ko si Mark at may binabasa sa cellphone niya. Tumayo siya agad nang maayos nang makita niya kaming dalawa.