50. collide

234 12 0
                                    





                  ***Hazel's POV***

        Nang magising ako, naupo ako agad at napahawak sa ulo ko na parang nalilito. Nangyari ba yun kahapon o nanaginip lang ako? Pero nang tumingin ako sa paligid ko, doon ko nakita na lahat ng yun ay totoo. Na totoong may multong nabuhay at nagpakita sa harapan ko mismo.

                 Tumayo ako sa kama at inayos muna ang buhok ko. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip sa labas. Wala pang tao. Lalabas na sana ako para hanapin kung saan ko iniwan ang malaking bag ko. nang makita ko ang isang paper bag sa labas ng pintuan ko at may nakasulat na "Hazel". Nang binuksan ko ito, may laman na damit. Pumasok uli ako sa kwarto para maligo at makapagbihis.

                   Nang lumabas na ako, nakita kong bukas ang pintuan sa kabilang kwarto at parang may inaayos kaya pumasok ako. Nakatalikod si Marlo at inaayos ang microphone. Nagulat siya nang makita ako.

" good morning" bati ko at naupo sa tabi niya.

"Sorry. Nagising ba kita? "

            Umiling ako at lumingon sa ginagawa niya.

"Kakanta ka?" Tanong ko.

                Ngumiti siya at naupo na rin.

"Dito kasi ako minsan pumupunta para gumawa ng cover at nakaschedule na kasi. Kaya, okay lang ba? Mabilis lang to. Kakatok na lang ako sa kwarto mo kapag tapos na ako" medyo kinakabahan ang boses niya.

"Ganoon? Pinapaalis mo ako? Ilang beses na kitang nakitang kumanta, ngayon ka pa mahihiya? Sige na, ako na ang hahawak ng camera. Bilis." Sabi ko

                Tumayo ako sa harapan niya at kinuha ang camera. Huminga siya nang malalim at naupo nang maayos.

            "I found a love for me, darling just dive right in
             And follow my lead. Well I found a girl, beautiful and sweet
             I never knew you were the someone waiting for me
             Cause we were just kids when we fell in love,not knowing what it was
            I will not give you up this time......."

                       
            Yung nakatitig siya sa bawat pagbigkas ng kanta. Siguro dahil ako ang nakahawak ng camera niya kaya pakiramdam ko, tinatamaan ako sa bawat notang binibitawan niya. Yung minsan nakangiti, minsan nakatitig lang, Yung parang masaya siya pero nasasaktan pa pala.

         
           Habang pinakikinggan ko siya, may naalala ako sa aking nakaraan. Naaalala ko kung paano ko siya minahal at kung bakit nahulog ako sa kanya kahit magkaiba man kami sa mata nila. Ang linyang......

        "  Cause we were just kids when we fell in love, not knowing what it was
            I will not give you up this time......."

                  Naalala ko noong sinagot ko siya, noong mga panahong pinaramdam niya na ako'y mahal niya. Noong mga bata pa lang kami, isa lang ang nasa isip ko noon. Na tatanda akong siya ang nasa tabi ko. Na mamahalin niya ako kahit man may butas ang puso ko. Na tatanda kami, magkakaanak at walang bibitaw kahit iisa na lang ang lumalaban.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon