62. The Labo Love story

236 12 3
                                    


                    ***Trisha's POV***

                     Nang minulat ko ang mga mata ko, madilim pa rin pero may ilaw akong nakikita galing sa cellphone ni Kaye. Nabitawan niya sa kamay niya kaya kinuha ko ito habang natutulog pa siya. Nang pinindot ko ito, may password. Alam ko ang password niya noon. 1125 . araw na sinagot ko siya sa rooftop.

                   Matagal akong nakatitig sa screen. Impossibleng hindi niya binago pero ...... Sinubukan kong gamitin ang password. Ang laki ng mga ngiti ko ng makitang hindi pa nagbago. Binuksan ko agad ang message na galing kay Hazel.

       "Okay ka lang ba? Pumunta ka ba kanina sa campus? Akala ko kasi nakita kita. Siguro, namiss lang kita.  Namiss mo ba ako?"

                 Nawala ang mga ngiti ko. Sinilip ko siya pero nakapikit pa rin ang mga mata. Huminga ako nang malalim at nagtext.....

          "Natutulog na si Kaye. Hindi siya pumunta sa yo kasi kasama ko siya buong araw. "

         At sent...... Maya maya at nagreply agad. Ang bilis. Hindi pa yata siya nakatulog.

"Sino to?" From Hazel

"Trisha" sagot ko

                 Hinintay kong makasagot siya. Medyo natagalan at isang word lang ang sagot niya.

"Okay".

                   Napatawa ako sa sarili ko. Mabilis kong dinelete ang mga messages at napatayo. Inayos ko ang mga paa ni Kaye para makahiga siya. Naupo ako sa tabi niya. At dahil natutulog pa rin siya, minabuti kong tingnan ang laman ng gallery niya. Marami siyang pictures niya. At may dalawang albums. Isa ay pictures lang ni Hazel lahat. Pinagmasdan ko siya nang mabuti. Hindi naman mataas o sexy si Hazel. Cute, medyo morena, medyo maliit, mukhang mahina at boring.

            Binuksan ko ang pangalawang folder. Mga pictures nila ni Hazel. Napangiti ako sa inis. Noon, ang hirap isama si Kaye sa mga adventures ko, kahit na ang camping o scary movies. May nakita akong letrato na nasa ospital at mukhang takot siya sa injection. Takot ka ba sa injection? Bakit hindi ko alam?

         Naiinis ako kasi ginawa niya ang mga bagay na hindi niya ginawa sa akin unless pag aawayan pa namin ng matagal. Pinilit din ba siya kaya siya sumama o nagbago nga si Kaye dahil sa kanya? Habang lumilipas ang panahon sa kakatitig ko sa mga letrato, mas nakikita kong nagbago si Kaye. Mahal nga niya si Hazel.

            Iba ang Kaye na nakikita kong kasama niya sa Kaye na nakasama ko noon. Nagbago ba siya para makalimutan ako o mas mahal niya talaga ang babaeng nasa letrato? Hindi ko na kayang tingnan pa ang mga ito kaya binalik ko ito sa tabi ng unan. Umusog ako sa tabi niya at nahiga hanggang sa nakatulog agad ako. Sa ilang taong lumipas, nandito uli ako sa tabi mo at yakap yakap ka kahit na hindi mo alam, habang iba na ang pangalang sinisigaw ng puso't isipan mo.


                          ***Kaye's POV***

                Nagising ako sa liwanag ng araw. Siguro dahil bagong gising, medyo malabo pa ang utak ko. Napatingin ako sa babaeng nakayakap sa akin. Hazel? Yan ang nasa isip ko. Hinawi ko ang kanyang buhok na nakatakip sa mukha para halikan siya pero bigla akong napaupo sa gulat na muntik ko nang halikan si Trisha. Salamat  araw.

           Naupo si Trisha , nakapikit pa ang nga mata niya at kinakamot kamot ang kanyang ulo.

"Bakit?"

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon