***Kaye's POV***
Lagpas na sa oras na dapat ay nakatulog na ako, pero naexperience nyo na ba yung pakiramdam mo may hinihintay ka pero di mo pa alam kung bakit o sino. Yan. Kaya nakailang gulong na ko sa kama ko, baka aabutan na naman ako ng umaga nito.
Late na naman ang pag upload ko ng cover. Gising pa kaya siya? Dapat ko ba siyang tinatag para magparamdam naman siya sa mga posts ko. Naririnig ko ang notifications ko. Dahil gising pa ako, naisipan kong silipin. At.....
❤ pinusuan niya ang post ko.......!
Kinikilig ako sa simpleng pagpuso niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag nilike niya ang post ko. Dahil wala akong makausap, tinawagan ko si Marlo.
"Hello sino to??" Antok niyang tanong
"Ang best friend mo." Masayang bati ko sabay tawa ng malakas
Bigla niyang binaba ang tawag ko. Walang hiya. Naupo ako nang maayos at tinawagan siya uli."Bakit mo binaba?" Masaya pa rin ang boses ko
"Bakit mo ba ako kinakausap sa ganitong oras? " tanong niya
"Oh.. Anong oras na ba? Teka.. Huwag mo na akong sagutin. Pinusuan niya ang post ko!" Masayang sigaw ko.
Naging tahimik siya ng konti at narinig ko ang hilik.
"Marlo! " sigaw ko
"Baka nagkamali lang yun ng napindot. Lagi naman yung nagstalk sa yo. Di mo pa rin ba alam hanggang ngayon?. Paggising ko, pupusuan ko din lahat ng posts mo. Matulog ka na!" Sabi niya
Binaba na niya ang tawag pero nakangiti pa rin ako. Lagi niya ako iniistalk habang nagstalk din ako sa kanya? Napahawak ako sa mga pisnge ko. "Naramdaman niyo na ba yun? Yung nakakapangtunaw na kilig? " ( Kaye cal's caption)
Nahiga ako uli at nakatitig sa Instagram account niya.. Wala pa naman siyang bagong post. Siguro mas marami pa ang selfies ko kaysa sa kanya. Di ko pa nakita ang laman ng gallery niya especially nong pinalitan ko ng bago. Mas hindi na ako makatulog.
Nakangiti lang ako hanggang sa nakatulog na nga ako. May show pa kami sa ASAP bukas. Ang ganda na ng panaginip ko. Kasama ko siya, kayakap ko siya. At higit sa lahat, sa panaginip ko, akin pa rin siya.
Pero biglang may kumakatok at nagbuzz sa pintuan ko. Malakas at maingay kaya naisip ko, hindi naman yata ganito kabilis magbago ang kapalaran ko. Minulat ko ang mga mata ko at nawala ang mga ngiti sa mukha ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan.
"Ang aga mo naman. " bati ko
" Sabay na tayong umalis"
Hinarangan ko siya bago siya makapasok.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko na mukhang nagulat siya
"Papasok".
" nag invite na ba ako sa yo? Matapos mo akong binabaan ng telepono. At dalawang beses pa. Dyan ka sa labas maghihintay." Sagot ko at mabilis na iniwan siya sa labas.
Naglakad ako papunta sa kwarto ko at naririnig ko pa rin siya. Nagmadali akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ng halos isang oras at binuksan ko na ang pintuan at iniwan itong bukas habang inaayos ko ang mga gamit ko.