43. One call away

238 11 0
                                    



              ***Kaye's POV***

                          Magkasalubong na ang kilay ng manager namin ng dumating kami. Pinaupo ko si Hazel sa tabi ko.

"Kaye, next time, be professional. Always check your phone." Paalala ng manager namin.

"I'm sorry po." Sagot ko.

                  Sa bandang dulo, nakaupo ang banda ko. Sa harapan ko, ay si Ellise, sa tabi ko ay si Hazel at nakayuko lang siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay sa ilalim ng mesa habang nagsesermon ang manager ko. Sana nga, hindi ko siya sinama muna. Kilala ko si Hazel, ano man ang mga mali ko, sarili niya pa rin ang sisihin niya at hindi ako.

"Anyway, bukas, may filming na tayo para sa music video. Two days and one night tayo" sabi ng manager ko.

              Bigla kong tinaas ang kamay ko at napabuntong hininga na lang siya.

"Alam ko na ang itatanong mo. Okay, pinapayagan kita. But..." Sabi niya.

"Yes po. Behave po ako" pangako ko.

                  Bigla namang tumawa nang malakas ang mga kasama ko. Si Ellise/ Trisha ay no comment pa rin. Ang laki ng pinagbago niya. Halos hindi ko na kilala ang taong nasa harapan ko ngayon.

               Medyo natagalan kami sa meeting na yun. Almost 7pm na at hindi pa kami nakapagtanghalian, maliban sa kape uli at snacks kanina.

"Kaye, pwede mo ba akong ihatid?" Tanong ni Trisha.

             Si Hazel ay kausap ni Riana kaya tinawag ko muna si Jason.

"Pauwi ka na rin ba? Pwede mo ba siyang ihatid muna?" Sabi ko.

                 Biglang nainis si Trisha.

"Gusto kong ikaw Kaye." Naiinis na sinabi niya.

"I'm sorry. Ipagpaalam ko pa si Hazel sa mga magulang niya na isasama ko siya bukas." Paliwanag ko.

              Bigla siyang tumawa pero mukhang galit na galit na.

"Wow. Bakit hindi mo ginawa yan noon sa pamilya ko? "

                Nilapitan ko siya para makapagsalita nang mababa.

"Alam mo na kung bakit. Kailangan ko nang umalis" sagot ko.

               Nagmadali akong nilapitan si Hazel at hinawakan ang kamay niya para makaalis na kami.

"See you bukas guys" sabi ko habang naglalakad palayo.

                     Mabuti na lang at maraming tao kaya walang magawa si Trisha. Inakbayan ko si Hazel habang naglalakad na kami papunta sa parking lot.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Basta. Malalaman mo din mamaya. Nagugutom ka na ba? Ako, sobra. Pero, may dadaanan muna tayo. " sabi ko.

                      Dahil siguro sa pagod din siya, tahimik si Hazel ngayong araw. At first, hindi niya nanotice kung saan kami papunta hanggang sa nakarating na kami.

"Bakit tayo nandito? Day off ko ngayon." Sabi niya Hazel.

"Alam ko. May kailangan lang ako kausapin." Bigla siyang sumimangot.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon