23. Take my heart with you

246 10 0
                                    


               ***Hazel's POV***

                Nakaupo ako sa library at gumagamit ng laptop ko para sa isang report ko. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap ko hanggang sa napunta ako sa social media accounts ni Kaye at nagstalk uli. Nowadays, hindi kami masyadong nag uusap tungkol sa music niya. Minsan, takot akong tanungin kung magkakaloveteam na ba siya? Tinutukso din ba siya sa iba o alam nga ba nilang may girlfriend siya.

                    Nagbabasa ako ng kung ano ano hanggang sa may nakita akong mga bashers ko. Nakanganga akong nagbabasa. Mataba ako? Boring ako? Hindi marunong magluto? Pinilit kong ipikit ang mga mata ko, pero hindi ko maiwasang basahin pa rin.

"Ohhhh." Biglang narinig ko sina May at Angelic sa likuran ko.

               Naupo sila sa harapan ko, kinuha ang laptop at binabasa ang mga nabasa ko na.

"Kailan ka pa napahilig sa social media? " tanong ni May

             Titingnan ko sana uli pero tinago na nila kaya hindi ko na nabasa pa ang iba.

"Gumawa lang ako para sana mas makilala ko si Kaye." Paliwanag ko.

             Nasa harapan ko sila at ako naman ay nakatitig lang sa mga reaction nila. Kung babasahin ko ang mga reaction nila, parang iiyak na ako. Noon, wala talaga akong pakialam sa sasabihin ng iba o akala ko lang talaga na wala akong pakialam. Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ko.

"Bakit? Kung hindi ka marunong magluto, wala ka ng karapatang magmahal o mahalin? " naiinis na sabi ni Angelic

" sabi nila, the way to a man's heart is through his stomach " sagot ni May habang nagbabasa pa rin.

"Bakit? Ang puso mo ba ang kakain o ang bibig? Kahit ipakain mo pa sa kanya ang pinakamasarap na pagkain sa mundo, kung hindi ka niya mahal, iiwan ka pa rin niya pagkatapos niyang kainin yun." Sagot ni Angelic

                Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi ni Angelic. Kakain pa muna bago iiwan. Nagmahal, nagluto, iniwan..  Bigla silang tumingin sa akin na parang nasiraan na ako ng bait.

"Marunong ka namang magluto sis." Sabi ni May.

"Hindi nga lang pwedeng kainin" dagdag ni Angelic.

             Nawala ang mga ngiti ko habang ang ingay ng dalawa sa library. Gusto kong itapon ang hawak kong libro sa kanila pero nasa library ako.

"Kung hindi kayo titigil, ipagluluto ko kayo" sabi ko sa kanila.

              Bigla silang tumigil.

"Grabe sila. Minsan, pinagluto ko kayo at hindi naman kayo mamatay ah. Ibig sabihin, may pag asa pa ako." Medyo malakas ang boses ko at nakatingin na ang iba sa amin.

"Hazel, alam kong wala naman problema Kay Kaye yun. Oo, sinabi niyang gusto niya ang babaeng magaling magluto. Hindi niya naman sinabi na hindi na siya pwedeng magmahal sa mga hindi marunong." Sabi ni May

                  Huminga na lang ako ng malalim at ngumiti uli.

"Sorry. Medyo na carried away lang. Hindi pa rin ako sanay sa social media. Ang hirap pala." Sabi ko.

               Nakapatong sa mesa ang dalawang mga kamay ko at pinapaikot ikot ang singsing na nasa daliri ko.

"Alam na ba ni Kaye?" Tanong ni May

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon