***Hazel's POV***
Pagkatapos naming kumain ay natulog muna si Kaye habang nagpapahinga din ang iba. Dahil nga medyo makulimlim naman ang panahon, naisipan kong maligo. Hindi ko alam kung naliligo ba ako sa dagat o nakaupo lang sa tubig, nakatingin sa malayo at kunwari gumagalaw ang mga kamay.
Tumayo muna ako at naupo sa buhangin habang sinusulat ang pangalan niya. Kaye. Si Ellise ay umupo sa tabi ko kaya binura ko agad ito.
"Bakit mo ginawa yun?" Kunwaring tanong niya.
"Wala" sabi ko at lumingon sa kanya.
Nakared two piece swimsuit siya habang ako ay nakamaiksing shorts at black sleeveless. Nakita ko siyang ngumiti sa suot ko.
"Ayaw niyang magswimwear ka?" Tanong niya.
"Uhmm. Hindi naman. "
Hinawakan niya bigla ang kamay ko.
"I have a few. Pwede kitang pahiramin" nakangiting sabi niya.
" uhmm okay lang. Hindi naman talaga ako magaling magswimming. " sabi ko
"Nice ring" iba ang sagot niya
Nakatitig siya sa singsing ko.
"Pwede ko bang isukat? It's beautiful". Sabi niya.
Yung ayoko sana pero ang bilis niyang kunin sa daliri ko. Nakatingin lang ako habang sinusukat niya.
"It fits" sabi niya.
Tinaas niya ang kamay niya at pinakita sa akin. Pero may biglang tumawag sa kanya.
"Ellise, we're ready for you"
Tumayo siya agad at nagmadaling umalis. Nakatayo ako at tinitigan ang bawat galaw niya. Nakaupo siya sa tubig habang may pictorial sila. Madali kong nawawala ang mga singsing ko maliban sa singsing na yun. Hindi ako sanay na wala sa kamay ko, lalong lalo na, hindi ako sanay na suot ng iba.
Hindi ko alam kung gaano na sila katagal sa tubig. Naupo na lang ako habang naghihintay. Pakiramdam ko, pinahawak ko sa iba ang puso ko kaya ang bigat na Hindi ko ito suot. Nang tumayo na siya at natapos na nga, nagmadali akong lapitan siya.
"Ang singsing ko. Kailangan ko na kasing balikan si Kaye." Halos nagmamakaawang sabi ko.
Tinaas niya ang kanang kamay niya pero wala na ang singsing.
"Hindi ko ba nasauli sa yo?" Sabi niya.
Halos hindi na ako makahinga sa sinabi niya. Umiling ako at hinanap niya uli. Pero wala pa rin.
" oh no. Baka nalaglag sa tubig habang may pictorial ako" sabi niya.
Hanggang tuhod niya lang naman ang tubig pero dahil beach, buhangin, Hindi ko alam paano mahahanap?
"Sigurado ka ba? " halos nababasag na ang boses ko.
"It's just a ring. Babayaran na lang kita. Don't worry" sabi niya at naglakad papunta sa mga kasama niya.