***Kaye's POV***
Nang makarating na ako sa campus, halos tumatakbo na ako sa building na kailangan kong puntahan. Bago ako makaakyat, humiram ako ng mga kailangan kong gamitin. Well, microphone lang naman sana at ang speaker na nasa rooftop ang kailangan ko.
"Bakit yan ang naisip mo? " tanong ng kaibigan kong si Benjie
"Harana. " simpleng sagot ko.
"Bakit sa rooftop? Di ba dapat sa bahay? Bawal ka ba sa bahay nila" biro niya
"Bawal. Bawal lumabas. " pabirong sabi ko
Kinuha ko ang gitara ko at inayos ito.
"Sa ospital ko siya unang nakilala. Hindi naman pwedeng doon ko gawin sa lugar na nahirapan siya. Kaya mas pinili ko ang dito kasi dyan niya akong piniling mahalin."
Lumapit siya sa mesa at pinatong ang dalawang mga kamay niya.
"So....... Pwedeng...."
Napatingin ako agad sa kanya.
"Huwag. Bawal manuod. May CCTV dyan kaya, off mo muna" utos ko.
Tumayo ako at nagpaalam sa kanya. 5:10 na. Late na naman ako. Nagmadali among umakyat sa rooftop. Medyo matagal na ring nakapunta kaming dalawa dito. Matapos kong inayos ang mga kailangan ko, naupo ako sa dulo at nakatingin lang sa baba. Ang gusto ko sana, sa buong campus I play ang kakantahin ko pero dahil school time, hindi pwede. Kaya dito lang sa rooftop.
Habang nakaupo ako, hindi ko maiwasang maalala ang pagkikita namin dito. Yung akala ko magpapakamatay siya kaya hinila ko siya papunta sa akin at napahawak ako sa baywang niya.
"Nagpapakamatay ka ba sa unang araw ng klase? Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa
Kahalagahan ng buhay mo? Kung gusto mong magpakamatay, huwag dito. Importante ito
Sa taong kilala ko. Kung gusto mo, doon ka sa kabilang building, mas maluwag doon" sigaw ko noon
Habang hawak ko siya at nakatitig sa kanya, iba ang sinasabi ng puso ko kaya nabitawan ko siya agad at iniwang mag isa. Dahil doon pa lang, nagkamali na ako. Akala ko tatalon siya. Hindi pala. Puso ko pala ang unang tumalon at nahulog agad sa kanya.Lumipas ang 30 minutes at naisip ko, baka may ginagawa pa. At lumipas ang isang oras, lumulubog na ang araw at wala pa rin. Sa bawat minutong lumilipas, mas nawawalan na ako ng pag asang dadating siya.
Napatingin ako sa singsing na suot ko at naalala kong hindi niya suot ang sa kanya. Sa dami ng mga nangyari, hindi ko pa rin naikwento sa kanya ang tungkol kay Trisha. Takot akong simulan at baka iwasan niya.
Nagulat ako nang biglang nagring ang cellphone ko. Pero si Benjie lang pala.
"Oh, Kaye. Ang tagal mo namang sagutin. Okay na ba? Nagustuhan ba niya?" Tanong niya
Tumingin ako sa oras at kinuha ang gitara ko. Habang nagsasalita si Benjie ay bumababa na ako. Nasa third floor siya, isang floor lang naman kaya mabilis kong narating.
"Uuy. Grabe hindi na siya..." Sabi niya
Nagulat siya nang makita niya ako sa pintuan. Binaba niya agad ang tawag at nilapitan ako.