***Hazel's POV***
Nakatingin lang ako kay Kaye habang nakatalikod na siya at naglalakad. Dahan dahan akong naglalakad at naupo sa isang upuan. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang messages ko. Scroll.. Scroll... Then, biglang nag alert ang notification sa messenger ko. May isang video na pinadala ng isang hindi ko kilala.
Nakatitig lang ako sa screen. Hindi ko alam bakit natatakot akong panuorin. Pagkatapos kong i-play ay pinikit ko ang mga mata ko. Wala akong narinig kaya sumilip ako. Si Kaye at si Ellise. Nilapitan siya ni Kaye at hinawakan sa mga pisnge. Ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko, umiinit ang mga pisnge ko, nanlalamig ang mga kamay ko, at nanghihina ang buong katawan ko.
Siguro lahat naman tayo minsan din nanuod ng kdrama na may mga ganitong eksena. Habang lumalapit ang bida sa kontrabida na parang hahalikan ito, tumitigil kahit ang paghinga mo. Hindi dahil kinikilig ka, pero dahil naguguluhan ka. To too ba to o gawa gawa lang ng imahinasyon ko?
Naramdaman ko ang pagbagsak ng mga luha ko ng dumampi ang mga labi ni Kaye sa babaeng yun. Halos hindi ako makahinga, hindi makagalaw o makapagsalita man lang. Pinatay ko agad at nakita kong may short caption ng video.
"Hindi ka niya mahal kaya huwag ka nang umasa pa. Mang aagaw."
Halos hindi na matanggal ang mga mata ko sa pagtitig sa last word. "Mang aagaw". Inagaw ko ba si Kaye sa iba? Àng alam ko, bago ako, unang minahal niya si Trisha. Kaya paano ko siya naagaw kung patay na ang unang minahal niya?
Yun ang mga iniisip ko. Tinawagan ko agad si Marlo at sinagot niya pagkatapos ng ikatatlong ring.
" Haze, kakarating lang namin sa airport. Tatawagan na lang kita mamaya. "Sabi ni Marlo.
" sandali lang to. Naalala ko yung file na pinakita sa atin noon tungkol sa nagmamay ari ng puso ko. May picture ka noon di ba? Nasave mo yun sa cellphone mo kasi pinacheck ko sa yo ang bahay nila." Paliwanag ko.
Naging tahimik siya bigla na parang nag iisip. Naririnig ko ang mga taong nagsasalita sa airport, kahit maingay man yun, Mas nakakabingi pa rin ang biglang pagtahimik niya.
"Marlo?"
"Sorry. Hinanap ko pa. Sandali. Isend ko sa Viber. Hazel, kailangan ko nang ibaba muna. Tatawag ako mamaya tungkol dito." Sabi niya.
"Ang picture." Pahabol ko bago niya naibaba.
Naupo lang ako doon at hinintay ang message ni Marlo. Sana Mali ako, sana mali ako. Yan ang paulit ulit na sinasabi ng utak ko pero bakit hindi ako naniniwala sa sarili ko. Nang maramdaman ko ang pagbuzz ng cellphone ko, pinikit ko ang mga mata ko, may takot at kaba sa kung ano man ang makikita ko. Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang mga mata ko.
Halos nakanganga lang akong nakatitig sa letrato. Pinanuod ko uli ang video. Tumaas ang balahibo ko sa taong nakikita ko. May patay bang nabubuhay? May tao bang binigay na ang puso niya sa iba pero humihinga pa rin siya?
Tumayo ako at naglalakad malapit sa set. Nakita kong nakatalikod si Kaye at kinakausap yung babae sa video. Si Trisha, si Ellise o kung sino man siya talaga. Napahawak siya sa balikat ni Kaye at parang inaayos ang suot niyang polo. Nang lumingon si Trisha, nagtago ako agad sa taong nasa tabi ko.