32. When the going gets tough

234 11 0
                                    


                ***Hazel's POV***

       Nakatulog na naman uli ako habang hinihintay ko sina May at Angelic sa lunchtime. Naggising ako ng hindi sila tumigil sa kakatawag ng pangalan ko.

"Bakit ka laging pagod?  Ano bang mga ginagawa mo nowadays? " tanong ni habang kumakain.

"Nagtatrabaho" sagot ko.

                  Bigla silang tumigil sa mga ginagawa nila at hinihintay na sabihin ko ang punchline sa joke.

"Wala ng trabaho si Daddy. Naghahanap naman siya at sabi nila, wala naman daw problema pero gusto ko lang makatulong" paliwanag ko.

"Kaya pala. May maitutulong ba kami? " tanong ni May.

                Umiling lang ako at kumain uli. Sa totoo lang, hindi ko alam kung kailangan ko nga ba ng tulong o sapat na sana kung kasama ko siya.

"May itatanong sana ako." Sabi ko sa kanila habang naglalakad kami papunta sa library.

             Huminga ako ng malalim at huminto muna.

"Kung hindi tayo magkakilala, maniniwala ba kayo kung sasabihin kong ako ang girlfriend ni Kaye?" Seryosong tanong ko

" hindi" Biro ni Angelic.

                 Naging masama ang mga tingin ni May kay Angelic.

"Sorry" bulong niya.

"Sa totoo lang, mahirap sagutin kasi kilala ka na namin. Baka sa iba, hindi sila maniniwala. Noon kasi si Trisha, napakaoutgoing, sociable, maraming kaibigan at sikat kaya madaling malaman ng iba ang relasyon nila. Pero ikaw, homebuddy ka, uhhmm.. Halos opposite sa maraming mga bagay kaya siguro, hindi kayo madalas na nakikita ng ibang mga tao." Paliwanag ni May

              "Or hindi siya nakikita na kasama ko" bulong ko sa sarili ko. Noon, isa ako sa mga taong hindi madaling makita ng iba, walang pakialam sa iba at hindi ko rin pinapansin kung hater ba o mas malala pa. Pero ngayon, dahil sa kanya, natutunan kong maging malakas pero natutunan ko ring maging mahina lalo na sa mga sinasabi ng iba.

             Madali naman kasing sabihin na wala kang pakialam, kasi ang totoo, nasasaktan ka pa rin. Yan lang ang nasa isip ko hanggang sa nakarating ako sa trabaho.

"Absent si Ms Jill ngayon at si Sir Joseph, may trabaho, kaya ako ang boss ngayon" sabi ni Erika.

              Si Danny naman ay nakangiti lang. Hindi ko alam anong nagustuhan niya sa kanya. Kung gaano siya kaganda, ganoon din kapanget ang ugali niya. Tumayo si Danny at lumapit sa counter dahil may mga customers. Si Erika naman ay nilapitan ako at may binulong.

"Linisin mo ang banyo"

                   Wala akong karapatang magalit o hindi pumayag. Sabi ko nga di ba, no special treatment. Ngumiti na lang ako at sinunod ang utos niya. At sunod sunod nga ang mga gusto niyang ipagawa. Sa umpisa kaya ko pa, pero pagkalipas ng ilang mga oras sa palipat lipat ng ginagawa, halos hindi na ako makatayo ng mabuti.

"Natapos mo na ba yun?" Tanong niya, habang nakaupo at umiinom ng kape.

                 Feeling ko Cinderella for a day nga ako, siya ang wicked step sister ko.. Nililigpit ko na ang mga kalat sa huling customer namin nang marinig kong may pumasok. Pagod na pagod na ako,  kaya hindi na ako lumingon.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon