4. My Favorite Distraction

369 19 0
                                    

                           

               ***Hazel Lou***


                   Naggising akong may tumatawag sa pangalan ko. Ayokong gumising pa pero ang sweet ng pagkakabigkas niya ng pangalan ko kaya hindi ko namalayang nakangiti na pala ako.

"Hazel "

                  Paano ka ba kinikilig sa panaginip mo? Nakapikit ang mga mata, nakangiting mag isa, at kung may nakakakita man, sasabihin na para na akong rosas sa pula.

"Hazel Lou"

             At mas kinilig pa ako. Ayokong gumising dahil baka mawala ang boses niya.

"Hindi na umuulan. "

            Huh? Ulan? Naaalala kong nabasa kami sa ulan kaya bigla akong naggising. Si Kaye ay nasa harapan ko, sobrang lapit ang mukha niya at pinipigilang tumawa.

"Pwede ko bang malaman anong panaginip mo? " tanong niya.

               Tumayo ako agad at inayos ang damit kong medyo tuyo na.

"Paano mo naman nalaman na nananaginip nga ako?"

              Tumayo siya at nilapit ang ilaw ng cellphone niya sa mukha ko kaya napapikit ako.

"Siguro dahil nakangiti kang mag isa kahit nakapikit ang mga mata mo. Sigurado akong ako ang nasa panaginip mo" sabi niya at inakbayan ako.

"Akala mo lang yun. Iba ang nasa panaginip ko." Biro ko

"Sino? Si Mario?  Kapag siya nga, kailangan mong matulog uli. "

" Bakit naman?" Tanong ko.

" para sabay tayong matulog para sa panaginip ko, mumultuhin ko si Marlo hanggang sa ayaw niya ng matulog at ako na lang ang maiiwan sa panaginip mo" nakangiting Biro niya.

                  Nilapit ko ang mukha ko sa kanya hawak ang kamay niyang may ilaw as cellphone kaya napasigaw siya uli.

"Hazel naman eh. Alam mo ba kung gaano ka nakakatakot ngayong gabi?"

"Alam ko" sabay habol sa kanya.

                    Hindi ko alam bakit sa madilim na lugar na ito, nagawa pa naming umikot ng ilang beses hanggang sa nahuli ko siya. O akala ko. Pero bigla niya akong hinawakan sa baywang at natumba kami pareho sa sahig. Nasa ibabaw ako niya at sobrang lapit ng mukha namin. Pero naalala kong baka matakot siya kaya tatayo na sana ako nang bigla siyang gumulong sa kabila, at ngayon, nakahiga pa rin kaming dalawa pero siya na ang nasa ibabaw. Nararamdaman ko ang kanyang paghinga at tinutukso ako ng mga mata niyang nakatitig lang sa akin.

                   Si Kaye ang naging favorite distraction ko. Kapag nandyan siya, kapag nakatitig siya, lagi kong nakakalimutan na sa akin pala nakatingin ang napakaganda niyang mga mata. At dahil distraction nga, hindi ko namalayang sa kanyang labi napunta ang mga mata ko at napakagat siya sa ibabang parte nito.

                    Siguro kung kanina natakot man siya o nag alinlangan man ako, lahat ay bigla na lang naglaho nang dumampi ang mga labi niya sa labi ko.  Mula sa balikat ko, dahan dahang bumababa ang kamay niya, at pinikit ko lang ang mga mata ko. Mas dumiin ang kanyang mga halik hanggang sa bumababa ang halik na iyon papunta sa leeg ko. Hindi ko napigilang tumawa dahil nakikiliti talaga ako sa leeg.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon