***Hazel's POV***Nang maggising ako ay tanghali na. Hindi pa ako nakapagsuklay o nakatingin sa salamin. Umaga na ako nakatulog sa kakasocial media ko. After niya akong hinatid ay hindi ko na siya nakausap. Hanggang sa lumipas na naman. Nang marinig ko ang isang cover niya ay hindi na ako nakatulog pa.
Yung maghaharana siya sa yo at magsasabing.....
"oh babe, isang tingin mo lang,
Para na akong tinutunaw. Pay ika'y lumapit na. Ang dibdib ko'y puro kaba"....,makakatulog ka pa ba? Makakamove on ka pa ba?
Nasanay na akong tumitibok ang puso ko para sa kanya, kaya kahit malayo siya, o di ko nakikita, ilang beses pa rin akong nahuhulog sa kanya.
Nakaupo ako sa hapagkainan, at hawak ang kapeng malamig na. Hindi ko man lang namalayan na katabi ko na pala ang mga magulang ko hanggang sa kunwari ay napaubo sila. Kaya tumingin ako sa kanila.
"Oh, kanina pa po kayo? Good morning po" matamlay na bati ko
"Bakit hindi mo siya papuntahin dito Hazel?" Tanong ni Daddy.
"Baka ayaw niya po." Sagot ko
"Hindi mo pa nga siya tinatanong. Medyo magkaiba kami ng pananaw ng mommy mo pero hindi ibig sabihin may isang tama o mali. Minsan kasi, ang dalawang taong sobrang nagmamahalan ay pwede pa ring magkahiwalay kahit anong pilit ng pagkakataon. Importanteng iparamdam mo na mahal mo siya. Pero higit sa lahat, importante ding sabihin mo. Kung may gusto kang itanong, itanong mo para malaman niyang interesado ka pa. Kung may sasabihin ka, sabihin mo habang nandyan siya. Di ba sabi mo noon, ang buhay ay maiksi lang. Paano kung hanggang ngayon lang ang meron kayo? Maglilihim ka pa rin ba? Minsan, ang maling desisyon ay nagsisimula sa "Akala ko". Payo ni Daddy.
Naupo ako sa tabi nila at niyakap silang dalawa.
"Hazel, huwag mo itago lahat sa sarili mo. Huwag kang matakot magmahal ng sobra, ng higit pa.. Ang tunay na nagmamahal, hindi bumibitaw. Kung madali kang bumitaw, Baka dahil hindi siya mahalaga. Kung hindi nga, bitaw na. Kung siya pa, iparamdam mo sa kanya" dagdag ni Daddy.
"Ano ba ang sinasabi ng puso mo?" Tanong ni mommy.
Pinahiran ni mommy ang mga luha ko. Pero biglang pumasok ang dalawang kaibigan ko.
"Sandali" sabi nila habang naupo sa harapan namin
Kinuha ni May ang kape kong malamig na at inubos ito.
"Malamig na to" sabi niya pero naubos pa rin
"Kailangan nating umalis. Like, now na!" Sabi ni Angelic
"Hindi pa ako...." Hinila nila ako palabas
Nakatsinelas pa ako, nakashorts at white shirt. Naupo kami ni Angelic sa likuran ng kotse. Kasabay namin ang boyfriend ni May.
"Saan ba tayo pupunta? Hindi man lang ako nakabihis" sabi ko
Pinakita ni Angelic ang nasa cellphone niya. Post ng mga kasama ni Kaye. Nakaupo siya pero nakapikit ang mga mata. May caption na......"saan kaya dadalhin ng tadhana?" .