33. The estranged me

206 11 0
                                    


                     ***Hazel's POV***

               Pagkatapos niyang magwalk out, hindi ko pa siya naka usap uli, isang araw na ang lumipas. Bakit ganoon? Pakiramdam ko, hinihingi ko pa ang attention niya na dapat siya mismo ang nagbibigay. Kapag mahal mo, mahalin mo siya sa bawat segundo ng buhay mo. Huwag mong iparamdam sa kanya, na nakakalimutan mo din siya.

              Bago ako pumasok sa trabaho ay tinawagan ko muna siya.

      "Kaye? Kamusta ka na?" Tanong ko.

                     Pinipigilan kong umiyak.  Ayokong isipin niya na mahina ako kahit nauubos na nga ang lakas ko.

       " okay lang ako. May tinatapos kami sa studio ngayon" sagot niya.

       "Ah. Sige baka kailangan ka na nila" halos nababasag na ang boses ka kakapigil kong umiyak.

                    Sana maalala mong.... Kailangan din kita. Kahit hindi ko sinasabi o hindi mo nakikita... Kailangan kita.

          "Nasa bahay ka na ba?" Tanong niya.

         "Oo." Maiksing sagot ko.

           "Matulog ka ng maaga. Kailangan ko ng bumalik sa loob."

                      Yung natataranta ka kasi alam mong nagpapaalam na siya pero wala ka pa ring maisip na sabihin. Kasi nga, hindi ka pa handa.

         "Goodnight Hazel." Sabi niya

                     Naging tahimik siya na parang pinakikinggan ako, naghihintay na may sabihin ako. Pero ,  hindi ko pa rin nagawa. Akala ko ibaba na siya, akala ko tapos na.

       " I love you Hazel Lou" bulong niya bago niya binaba ang tawag.

                   Yung mga luha kong pinigilan ko ay bigla na lang bumagsak na parang may bagyo. Tama ang narinig ko di ba?

                      Nang bumaba na ako sa kwarto ko, nag uusap sina mommy at daddy. Nilapitan ko sila para bumalik sa pisnge at makaalis na.

"Hazel, umuulan ng malakas. Kung tumigil ka na lang kaya sa pagtatrabaho, kaya ka pa rin namin ni Daddy mo" paliwanag ni mommy.

              Nilapitan ko siya at niyakap, nakasandal ang pisnge ko sa balikat niya.

"Ayoko pong masanay na hihinto na lang bigla nang walang sapat na dahilan. Sa ngayon, kaya ko pa." Sabi ko.

"Sigurado ka?"  Malungkot na tanong ni Daddy.

"Yes po. At Baka malate ako. Goodnight po" sabi ko habang nagmamadaling umalis.

"Ihahatid na kita." Sabi ni Daddy

         Umiling din ako at niyakap siya nang mahigpit.

" Sa dami po ng ginawa niyo kanina, kailangan niyo munang magpahinga. Alis na po ako." Nagmadali akong lumabas ng bahay.

                   Dahil umuulan ng mas malakas, malala din ang traffic, nalate na naman uli ako ng 20 minutes. Kaya kahit basang basa na ako, tinakbo ko pa rin para lang makapasok ako.

"Hazel!!" Nagulat si Joseph nang makarating ako.

"Good evening po" bati ko.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon