***Hazel Lou's POV***
Nang makarating kami sa Kalibo International airport, sumakay uli kami ng van papuntang Caticlan, pagkatapos ay sumakay din kami ng speed boat. Ang tagal ng byahe pero lagi namang worth it, lalo na ngayon na kasama ko siya.
Hindi ko masasabing naovercome ko na ang fear sa tubig. Nakahawak pa rin ako ng mahigpit sa mga kamay niya, ang isang kamay niya at nasa baywang ko. Kung pwede lang maupo sa kandungan niya dahil sa takot ko, ginawa ko na.😂😂
Malapit ng lumubog ang araw ng makarating kami sa hotel. Mabuti naman at nasa station 2 kami, para mas malapit. Nagmadali rin kaming kumain dahil 10pm , dapat nakahanda na sila.
Iisang kwarto lang kami ni Kaye pero dalawa ang higaan. Nahiga ako agad sa kama at hindi na nakagalaw. Naramdaman kong hinubad niya ang sapatos ko, inayos ang pagkahiga ko at nilagyan ng kumot.
"Hazel Lou?" Bulong niya sa tenga ko at napangiti ako pero nakapikit pa rin ang mga mata ko.
"Hmmm?" Yun lang ang kaya kong isagot.
"Maliligo muna ako para makapaghanda na ako"
Hindi ako makatulog ng maayos ng sinabi niya yun. Gumugulong lang ako ng gumulong. Pero nang lumabas na siya, huminto ako agad sa kakagulong ko at nagkunwaring tulog na. Naramdaman kong gumalaw ang kama. Hinalikan niya ako sa pisnge at bahagyang dinampi ang labi niya sa labi ko. Ang bango bango ni Kaye, medyo nabasa ang leeg ko dahil basa pa ang buhok niya.
Nangangawit na ako pero hindi pa rin ako gumalaw. Ang tagal naman niyang magbihis. Maya maya lumapit siya at hinalikan uli ako sa pisnge. Narinig kong may lumabas sa kwarto at napadilat agad ako. Inayos ko ang unan ko at nahiga uli hanggang sa nakatulog na ako.
Naggising ako ng madaling araw na, almost 2am pero nang lumingon ako sa kabilang kama, wala pa si Kaye. Tumayo ako at naligo na lang muna. Nang lumabas na ako, wala pa rin siya kaya nagpasya akong hanapin siya. Naiwan niya ang cellphone niya kaya hindi ko rin siya matatawagan.
May kumakanta pa sa event kaya nakailang ikot na ako pero hindi ko siya nakita, kahit yung mga kasama niya. Naupo ako doon at nanuod o nakinig kasi nasa dulo na ako at nakaupo nang nakasandal ang aking likod sa isang puno hanggang sa nakatulog uli ako. Naggising ako ng may naramdaman akong humawak sa pisnge ko.
Minulat ko ang mga mata ko at nakaupo na sa tabi ko si Kaye at nakatingin sa malayo. Kinamot ko ang mga mata ko at naupo ng maayos pero hindi pa rin siya gumalaw.
"Kaye?" Tawag ko
Dahan dahan siyang tumingin sa akin pero parang ang lalim ng iniisip niya.
"May problema ba? " tanong ko.
Umiling siya, tumayo at inabot ang kanyang kamay. Hinawakan ko ito at pinatayo niya ako. Umakbay lang siya pero hindi siya nagsalita. Natatakot ako sa ganito, hindi ako sanay sa ganito. Nang makapasok na kami sa hotel room, huminto siya sa paglalakad ng hinawakan ko siya sa braso.
" Bakit?" Ang seryoso ng mukha niya.
"Wala. Naninibago ako sa yo. Sigurado ka bang okay ka lang?" Pilit kong tinanong.
Huminga siya ng malalim at hinalikan ako sa noo.
" wala to. Pagod lang talaga ako." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.