***Kaye's POV***
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatayo lang sa likuran nila at nakatitig sa kanya. Siguro, yung parang nananaginip ako. Gising ang mga mata ko, pero lumulutang sa kakaisip sa kanya.
Naggising na lang ako ng tumayo si May at nagulat siya bigla.
"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong niya.
Lumingon din si Angelic at huminga lang nang malalim.
"Restroom lang kami" biglang tumayo si Angelic at naglakad.
Tumango lang ako at naupo sa tabi niya. Hinawakan ko ang isang kamay niya at hinalikan ito sa palad niya. Dahan dahang gumalaw ang mga pilik mata niya pero hindi pa rin niya minulat ang mga mata niya.
"Kaye, ......" Bulong niya.
Lumapit siya at niyakap ako. Nakasandal ang kanyang pisnge sa balikat ko.
"Ako na ang bahala sa kanya. Gusto niyo bang ihatid ko kayo?" Tanong ko nang makaupo na uli sina May at Angelic.
"Hindi na. Magtataxi na lang kami. Alagaan mo siya." Sabi ni May
"Sige. Pakipasok na lang ng mga gamit niya sa kotse ko." Sabi ko kay May at binigay ang susi sa kanya.
Hinawakan ko si Hazel sa pisnge.
"Haze, nandito na ako. Tayo ka na muna" bulong ko sa kanya.
Hinawakan ko siya sa baywang at tinulungang makatayo. Si Angelic naman ay nakahawak din sa kanya. Pinaupo siya namin sa passenger's seat.
"Tinatawagan ko siya kanina pero hindi niya sinasagot" sabi ko.
"Naiwan niya ang bag niya kasama ang cellphone niya sa bahay ni Marlo. " paliwanag ni May.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Ah"
"Kaye, galit ka ba kay Hazel? Gusto naming malaman mo na mahal na mahal ka niya. Mauna na kami." Sabi ni Angelic at naglakad sa kabilang direksyon.
"Salamat." Sigaw ko.
Nagmadali akong pumasok sa kotse ko at kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko agad ang mommy niya.
"Hello Kaye. Kamusta ka na? " masayang tanong niya.
Sigurado hindi niya nga alam.
"Okay lang po tita. Tita, nasaan po kayo ngayon?" Tanong ko
"Nasa Baguio, may seminar akong pinuntahan. Si Tito mo naman ay papunta pa lang dito para samahan din ako. May mga kamag anak din kasi sila. Bakit? May problema ba kay Hazel?" Nag aalalang tanong niya.
" wala naman po. Medyo masama lang ang pakiramdam niya. Baka napagod lang siya sa party na pinuntahan niya kagabi. May favor po sana akong hihilingin, kung okay lang po sa inyo." Sabi ko.
Napasulyap ako kay Hazel at hinawi ko ang buhok niyang nakatakip sa kanyang mukha.
"Pwede po bang sa condo ko na lang siya muna ngayong gabi para mabantayan ko po siya? Kung ayaw niyo po, okay lang. Maiintindihan ko." Sabi ko.