***Hazel's POV***Nakaupo ako sa classroom at nakatulog na pala. Naggising ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Kakainom mo yan. Yan tuloy hang over." Sabi ni May.
Minulat ko ang mga mata ko, at nakatingin lang sa kanila. Lumapit si Angie at kinakaway niya ang kamay sa mukha ko kasi nga tulala na naman ako.
"Kulang pa siguro ang nainom mo." Biro ni Angie.
Mabilis siyang hinampas ni May sa braso.
"Huwag mo na siyang bigyan ng idea. Bakit ka tulala? Galit na galit ba si Kaye?"
Huminga ako nang malalim.
"Hindi ko alam. Kapag kaming dalawa lang, okay naman. Kapag nakikita niya o naaalala niya si Marlo, galit pa rin siya. Hindi ko naman siya masisisi. Pero kapag masyadong mabait naman siya ngayon, mas nakakaguilty." Sabi ko.
"Nasaan na si Kaye ngayon?" Tanong ni May at naupo sa harapan ko.
"Sabi niya, may meeting sila, interviews today kaya hindi niya ako masusundo. Bukas, palagi na naman siyang nasa studio, para sa recording ng kanya nila at kasama ang isang singer din, then music video."
"So, ibig sabihin, single for a week ka, or hanggang sa Hindi na naman siya busy" sabi ni Angie habang busy na nagbabasa sa cellphone niya.
"Bakit busy rin naman si Marlo pero may panahon siya para sa yo." Biglang singit ni May
"Teka, may problema ka ba kay Kaye?" Tanong ko.
"Sa ngayon, wala." Sagot niya.
Dumating na yung teacher kaya hindi na ako nakapagsalita pa uli. Noon pa man, mas malapit siya kay Marlo kaya ayokong magalit sa kanya.
Lumipas ang ilang araw at tama nga si Angelic, parang single ako this week. Halos hindi nagpaparamdam si Kaye, minsan masyado ng late, o minsan nagsasalita ako, habang siya naman ay tulala. Galit pa rin ba siya o may nagbago sa kanya?
"Hazel, may sasabihin sana kami ng mommy mo" sabi ni Daddy nang makauwi ako.
Naupo ako sa gitna nila.
"Nagkabankrupt ang company na pinagtatrabahuhan ko. Maghahanap na lang ako ng bagong trabaho. Pero sa ngayon, kailangan muna nating magtipid"
"Pero huwag kang mag alala. Makakaraos naman tayo. May trabaho din ako kaya hindi naman tayo mahihirapan" dagdag ni mommy
"Gusto ko pong tumulong" sabi ko
"Hazel, okay pa naman tayo. Kaya, huwag kang mag alala" sabi ni Daddy at hinawakan niya ang kamay namin ni Mommy.
Hindi naman kami mayaman. Middle-class lang. Pero hindi ko pa nakitang nawalan ng trabaho si Daddy, kaya para sa akin, malaking problema na ito. Pagkatapos naming mag usap, ilang beses na akong gumulong sa kama ko pero hindi ako makatulog. Tiningnan ko ang oras, 10:30 pm pa lang naman.
Naupo ako ng maayos at tinawagan si Kaye. Pero nagulat ako kasi babae ang sumagot at hindi si Riana.
"Hello? Nandyan po ba si Kaye?" Tanong ko