***Kaye's POV***Matapos akong tinakbuhan ni Hazel ay umuwi na lang muna ako. Ang plano ko ay iidlip ng isang oras at Hazel uli. Sa gabi pa naman ang trabaho ko. Kaya nahiga ako, pinikit ang mga mata ko. Hindi ako madaling makatulog pero dahil nagmamadali akong puntahan siya, nakatulog nga ako.
Yung almost 10 hours akong nakatulog. Idlip ba yun? Ang parang estudyante lang na tayo ka agad kasi naisip mong late ka na naman kaya medyo nahihilo pa ako. Nagmadali akong maligo, nagbihis at umalis. Unang pinuntahan ko ang campus. Nakailang ikot na ako doon nang maalala kong naiwan ko ang schedule ni Hazel.
Mahilig magtweet ang kaibigan niya kaya hinanap ko yun sa Twitter. Magkasama sila kanina at....scroll ako ng scroll, nagstalk sa kaibigan niya para makastalk sa kanya. Nakita kong may post siyang nasa education building kaya nagmadali akong puntahan yun. Hinanap ko sa bahay classroom. Four floors pa naman yun. Nakaabot na ako sa third floor at handang sumuko nang may mga students na lumabas habang hinihingal pa ako.
"Kaye?" Tanong ng nasa likuran ko.
Lumingon ako at nakita si Angelic.
"Payong kaibigan. Next time, pakilagay ng room number mo sa tweet mo para hindi naman ako mahirapan." Payo ko habang nakahawak pa rin sa mga tuhod ko.
Tumawa siya nang malakas at tumingin sa iba pero nagmamadali ng umuwi na ang ibang kaklase niya.
"Si Hazel ba? Kanina pa siya nakauwi." Paliwanag niya.
"Pwede ba tayong maupo muna habang nasa recovery stage pa ang katawan ko?" Sabi ko.
Tumango lang siya at pumasok kami sa classroom nila kanina.
"Kamusta na siya?" Tanong ko.
Naupo siya. Kinuha ko ang isang upuan at pinaharap sa kanya.
"Hindi ba dapat siya ang tinatanong mo?"
"I know. Pero alam mong edited na ang kwento ni Hazel kung galing sa kanya." Sabi ko.
Ngumiti lang siya at tumango.
"Nawalan ng trabaho ang daddy niya. Ngayon, medyo okay na rin si tito. Alam naman natin na hindi kayang umupo lang si Hazel kaya naghanap siya ng trabaho para makatulong. Kaibigan ni Marlo ang boss niya sa coffeeshop." Paliwanag niya.
Bigla akong nalungkot ng sobra. Habang busy ako sa mga kaganapan sa buhay ko, nakalimutan kong isipin na baka may pinagdadaanan din siya pero ayaw niya lang sabihin. Nagalit pa ako nang kasama niya si Marlo, hindi ko man lang tinanong.
"At."
Tumingin uli ako kay Angelic. Napabuntong hininga siya.
"Ano? Sabihin mo na"
"Pinagtatawanan siya ng kasama niya sa trabaho dahil sa yo." Sabi niya.
"Sa akin? Dahil ?" Tanong ko.
Tumayo siya sa harapan ko at naglalakad.
"Hindi sila naniniwala na girlfriend mo siya." Mababa ang boses niya kahit kami na lang ang naiwan dito.
Nagring ang cellphone ko at sinagot ko muna dahil sa manager ko.