48. Temporarily needed

227 8 0
                                    


                    ****Marlo's POV****

                     Pagkatapos kong nasend kay Hazel ang letrato, kahit ako ay medyo napaisip din. Bakit parang kilala ko siya? Bakit parang may kamukha siya?

"Marlo! Ano ba ang iniisip mo? Jetlag? Malapit na tayo sa Pampanga." Sabi ni Joseph na nakaupo sa harapan ko.

                  Nilagay ko uli ang cellphone ko sa bag at kunwaring nakikinig sa kanya.

"Wala. Iniisip ko lang ang script para mamaya. Si.  ..... Si Hazel, baka. Baka lang kasi hindi siya makakapagtrabaho mamaya. Sana, huwag mo siyang pagalitan." Paliwanag ko.

"Bakit ko siya pagagalitan? Hindi naman talaga ako ang totoong boss niya. Kahit na anong gawin niya sa coffeeshop, ikaw lang makakapagpaalis sa kanya. Bakit kasi hindi mo na lang sinabi sa kanya ang totoo?" Tanong niya.

                 Huminga ako nang malalim at niyakap ang unan na laging kasama ko sa mga trip ko.

"Paano ko naman sasabihin yun? Hazel, sorry, hindi naman talaga nangangailangan  si Joseph ng bagong employee. Pinilit ko lang talaga siya at nakalimutan Kong sabihin na, silent partner niya ako sa negosyong ito,kaya. ..... Meet the other boss....  Me! Ganoon?" Sabi ko.

"May nakalimutan ka pa. kahit ayaw mo, mas pinili mong magtrabaho siya sa yo para kahit hindi niya alam, binabantayan mo pa rin siya. Martyr ka na talaga. Kinain ng systema ng pag ibig. " Biro niya.

                    Huminto na ang kotse at nagmadali na akong lumabas. Nagsimula na kaming magshoot para sa TV show. Kahit nasa trabaho ay hindi maalis sa isipan ko yung babae sa letrato. Habang nakaupo ako at nakatitig sa picture ay biglang may tumawag sa cellphone ko gamit ang isang number na hindi ko kilala.

"Hello?" Tanong ko.

                 Medyo maingay pero hindi ko marinig ang boses ng taong tumatawag. Ibaba ko na lang sana nang magsalita na siya.

"Marlo? "

               Nagulat ako kasi kilala ko siya.

"Hazel? Bakit iba ang number mo? " tanong ko.

                  Naging tahimik siya bigla. Bakit ang lungkot ng boses niya?

"Pwede mo ba akong sunduin?"

"Huh? Saan? Ngayon ba? " tanong ko.

"Hello po."

                 Nagulat ako nang ibang boses na ang narinig ko.

"Sabi po niya maghihintay siya malapit sa dagat. Itetxt ko po sa inyo ang address." Sabi ng babaeng hindi ko kilala.

"Okay" mahinang sagot ko.

                  Nakakunot ang noo ko habang seryosong nag iisip. Hindi ko namalayang binaba na pala ng kausap ko ang tawag at biglang nagbuzz kaya nagulat ako dahil nakadikit pa sa tenga ko. Nagmadali akong binasa ang message niya. Hindi ko namalayang sa tabi ko pala si Joseph at binabasa din yun.

"Mga isang oras pang byahe yan" sabi niya at naupo.

                  Nakatayo lang ako doon at nakatitig sa cellphone ko. Binuksan ko uli ang gallery ko at pinakita ang letrato kay Joseph.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon