52. Shine for me

232 12 0
                                    


                        ***Hazel's POV***

                    Maaga akong nagising at pumunta agad sa coffee shop. Kahit alam kong nakausap na siya ni Marlo, gusto ko pa rin siyang makausap. Papasok na sana ako nang makasalubong ko si Danny.

"Hazel? Akala ko may sakit ka? Bakit ka magtatrabaho? " tanong niya

                Sa counter, nakita ko si Erika na mukha pa ring hindi masaya na nakita niya ako. Siguro, mas masaya siya kasi titigil na rin ako.

"Si Sir Joseph?" Tanong ko kay Danny.

"Nasa office niya. Pero mukhang bad mood pa yun." Sagot niya

"Talaga? Sige. Pupuntahan ko lang."

                 Hindi na ako tumingin pa kay Erika. Nararamdaman ko pa rin ang titig niya na parang uusok na ako. Siguro nga minsan, may mga taong naiinis sa yo ng walang sapat na dahilan. Na kahit ilang beses ko mang maging mabuti at magpakilala sa kanya, buo na ang paniniwala niya.  Kumatok ako at dahan dahang pumasok. Parang walang tao, kaya pumasok ako. Sinira ko ang pintuan at nagulat akong nasa likuran ko na pala siya at may mga hawak na...... Hindi ko alam.

"Hazel?"nagulat siya nang makita ako.

" good afternoon. Busy ka ba?"

"No.! Maupo ka muna. Sandali. " sabi niya at nagmadaling lumabas.

                Naupo ako at tumingin sa paligid ko. Ang daming kalat sa mesa niya. Nang pumasok siya, nakakunot ang noo at halos magkadikit ang mga kilay niya.

"Sorry sa kalat. May nirereview kasi ako. Anyway, sana nagpahinga ka na lang muna. If importante, pwede naman kitang daanan sa inyo." Sabi niya habang nililigpit ang mga papel

"Okay lang. Mamaya pa naman ang class ko kaya.... At gusto ko ring humingi ng tawad." Sabi ko

                   Huminto siya sa sinabi at naupo muna.

"Para saan?"

"Dahil kailangan kong huminto sa pagtatrabaho. Promise, masaya ako dito" sabay taas ng kanang kamay.

                    Huminga siya nang malalim at seryosong nakatingin sa akin.

"Hindi mo naman sila kailangang takpan. I'm sorry at wala ako dito. At..... Sa sinabi mo,hindi ka naman sa akin dapat humingi ng tawad o pasasalamat. Kasi ang totoo, wala naman akong nagawa talaga." Paliwanag niya

"Anong ibig mong sabihin? Syempre, pinayagan mo akong magtatrabaho dito. Malaking bagay na yun at boss kita" bumababa nang bumababa ang boses ko habang nakatingin sa kanya.

           Seryoso siyang nakatingin, medyo napahawak sa chin niya na parang may iniisip.

"Hindi ko dapat sasabihin to. Pero. Hindi lang ako ang boss mo. I agreed to let you work, but someone else hired you"

           Medyo naguluhan ako sa sinabi niya kaya hindi ako nakasagot.

"Marlo's the one who hired you. He's your boss" dagdag niya

                Nakatitig pa rin ako sa kanya. Kaya pala parang ang bilis. Siguro, sa normal na sitwasyon, baka nagalit nga ako. Pero sa dami ng mga iniisip ko, Hindi ko maiwasang mapagod na lang. Ngumiti uli sa kanya bago nagsalita muli.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon