***Kaye's POV***
Nakaupo ako as isang coffeeshop at hinihintay ang isang taong, sa buong buhay ko ay hindi ko inakalang hihintayin ko. Kanina ko pa pinglalaruan ang cellphone kong pinapaikot ikot sa mesa. Hindi ako madalas dumating ng maaga pero, para sa ngalan ng pag-ibig, ginagawa ko ito.
Maya maya ay dumating na nga siya. Pumasok siya sa pintuan at agad niya akong nakita. Naupo siya sa tabi ko at napangiti agad nang makita ako. Sino siya?
" Sorry, kanina ka pa ba?" tanong ni Marlo nang nakangiti habang ako ay nakasimangot.
Hindi siya ang pag ibig na tinutukoy ko.
" Oo, kanina pa. Halos hindi na gumagalaw ang mga paa ko sa kakahintay." Galit na sagot ko sa kanya.
Naupo siya nang maayos at inabot ang isang paper bag. Kinuha ko ito at napasilip sa kung ano ang laman. Biglang napakunot ako ng noo at napatingin sa kanya.
"Ayan, natagalan kasi ako sa kakahanap ng babagay talaga sa iyo." Sagot niya, sabay tawag sa isang waitress.
"Aminin mo nga, galit ka pa ba sa akin?" Seryosong tanong ko sa kanya habang siya naman ay busy sa waitress na kinakausap niya.
" Ikaw ang humingi ng tulong ko." Sabay ang pagngiti niya
"At nagsisisi na ako" sagot ko habang nakatitig sa loob ng paper. Isang clown costume.
Kinuha ko yung peluka at pinatong sa mesa.
"Clown. Bakit clown? Gusto kong maging vampire sa halloween. Sigurado ka bang yan ang magugustuhan ni Hazel? Di ba, sa twilight ang nanalo ang vampire?"
" Bakit? May clown ba doon? Nandoon ba si Hazel? Clown nga ang gusto nya. " Pilit niyang sinabi
Nakasimangot pa rin ako at nakatitig lang sa kanya.
"Vampire"... Bulong ko sa sarili ko habang hawak hawak ko ang peluka na nasa ibabaw ng mesa.
" huwag kang mag alala. Paborito nya ang clown kaya sigurado akong hahabulin ka nya." Sabi niya at hinawakan ang mainit na kapeng inorder niya.
Ganito ba dapat ang pag ibig? May nagbabago, may binabago? Sa pag ibig, siguro nga may panahong kailangan mo din magsakrispisyo. Baguhin ang nakasanayan mo, gustuhin ang mga ayaw mo at mahalin ang mga bagay na inakala mong hindi para sa iyo.
Tulad ng taong nakaupo sa harapan ko na parang tuwang tuwa sa kung ano man ang iniisip niya.
"Bakit parang ang saya mo? " sabi ko at tinitigan siya ng mabuti.
Kinuha niya ang paper bag sa mesa at kukunin niya na sana ang pelukang hawak ko pero, bigla ko itong tinago sa kanya."Bakit mo kinuha?" Tanong ko.
" Ikaw kasi." Sabay kunot ng kanyang noo.
Inagaw ko uli ang paper bag sa kanya at nilagay ang peluka sa loob nito. Pinatong ko siya sa gilid ng paa ko at baka kunin niya bigla.
"Sorry na. Para kay Hazel. Susuotin ko na yan" mahinang sagot ko.
Nakangiti pa rin siya ng nakatingin, yung tipong alam mong may pinaplano siyang iba pero dahil Kay Hazel, mas pipiliin kong huwag na magsalita. Baka sa bandang huli, may mabuti namang maidudulot ang planong nasa utak ng lalaking nasa harapan ko.