***Kaye's POV***
Sabado ay buong araw din ang ensayo. Halos hindi ako nakakain at nakatulog sa kakaisip ng mga nangyayari. May pasok pa si Hazel ngayong araw. Biglang tumabi si Mark at tinitigan din ang tinitigan ko.
"Anong meron sa sahig at kanina ka pa nakatitig? Kikintab ba yan pag titigan mo?" Biro niya
"Siguro. Kung gagamitin natin ang mukha mo" sagot ko
"Kakafacial ko lang kaya. May 1 hour break pa naman. Puntahan mo si Hazel. Silipin natin sa campus." Masayang pagkasabi niya
"Natin?" Matipid na tanong ko
"Para hindi ka mahalata ni Trisha. Ayaw mo?"
Tumayo ako agad.
"Tara." Sagot ko
"Bilis" sagot niya
Habang nasa restroom pa si Trisha ay halos tumakbo na kami papunta sa labas. Nakasalubong pa namin sina Riana at Stephen.
"Kayo na bahala sa kanya. May bibisitahin lang kami" sigaw ni Mark
Nang malapit na sa kotse ko,
"Ang susi! Mas mabilis ko" sabi niya
At siguro dahil nagmamadali ako, hinagis ko din ang susi sa kanya ng hindi na nakapag isip. Naupo ako, sinuot ang seatbelt. Nang marinig ko ang kotse, doon ko pa naalala pero bago pa lumabas ang kahit na anong pagsisisi sa bibig ko, nakaandar na ang kotse ko at humaharurot palabas ng parking.
Sa sobrang bilis niya, naiwan na yata ang puso ko doon sa kung saan siya nagsimula. Yung nakaseatbelt naman ang katawan ko, pero naiwan ang puso at kaluluwa ko.
"Dahan dahan naman. Mahuhuli tayo o maaksidente. Mas hindi ko na siya makikita." Sigaw ko
Hindi siya sumagot. Nang huminto sa stop light, pinaandar niya ang music at kumakanta ng malakas. Ako naman ay pilit na tinatakpan ang tenga ko sa ingay.
"Maling driver ang sinama ko" bulong ko sa sarili ko
Nakahawak na ako sa puso ko sakaling huminto na naman siya bigla. Pakiramdam ko nagkanervous breakdown na ako mula nang maupo ako hanggang sa panahong huminto na nga siya sa tapat ng campus.
" see? Mabilis tayong nakarating" pagyayabang niya
"Sa sobrang bilis mo pati ang tibok ng puso ko ay hindi na makahabol sa yo" halos wala na akong hininga pang magsalita
"Wag ka nang kumontra. Sige pumasok ka na, dito lang ako maghihintay" sabi niya
Kinuha niya ang cellphone niya dahil may tumatawag. Nagmadali akong lumabas ng kotse.
"Manong! Ang gwapo niyo sa new haircut niyo ah. Sabi ko na sa yo, bagay yan eh" pambobola ko
Kunwari ay inayos niya ang buhok niya at tumayo mula sa kinauupuan niya.
"Salamat uli doon. Sa wakas, sinagot din niya ako" masayang sabi niya
"Wow congrats. Sabi sa yo, may forever pa naman. Kaya.......... Pwede ko bang puntahan ang forever ko? Sige na po. Promise, magtatago ako." Sabi ko.