36. The after

215 10 0
                                    



              **Trisha's POV***

           Nasa ospital kami. Alam kong mali ito, pero ito lang muna ang alam kong paraan para madali niya akong bitiwan. Sa ngayon, wala na akong maisip na ibang paraan at wala na rin akong panahon para mag isip pa ng iba.

                  Nakatingin ako sa labas habang pinapahiran ang mga bumabagsak kong luha. Hindi ako pwedeng lumabas para makita siya. Kaya nagtatago lang ako sa kurtina at lumingon sakaling dadaan siya sa labas.

                 Nang makarating sa ospital si Kaye, hindi siya pinayagan na makita ako/ ang katawan ko. Hindi ba siya nagtaka? Minsan naisip ko, sana pinilit niya, sana gumawa siya ng paraan. Baka sakaling nahuli niya ako agad na nakatingin lang habang kinaladkad siya palabas ng ospital at nakatingin lang ako mula sa itaas, wala man lang sa kanila ang nakakita.

                        Nakatingin lang ako habang umiiyak siya at nakaupo sa labas. Nakahawak ang dalawang mga kamay ko sa bibig ko, pinipigilang umiyak ng malakas. Napakasama ko, yan lang ang tanging naiisip ko.

                 Kaye, lilipas din ang sakit, mawawala din ang mga luha. At sa araw na yun, hindi mo mamamalayan, hindi naman talaga ako nawala.

                 Dito ang huling araw na nakita ko siya. Pagkatapos ng ilang araw, ay nakalabas na rin kami sa ospital. Ang alam mong buhay ka pa, pero namatay ka na noong araw na inakala niyang wala ka na. Hindi ko alam alin ang mas masakit. Ang ipaliwanag mo ang dahilan at lalaban siya pero iiwan mo pa rin siya. O mas madaling isipin niya na lang na wala ka na nga, mabuhay sa kasalukuyan, magpakatatag at Baka sakaling sa hinaharap, pagnagkita nga, mas matatanggap niya na ang dahilan?

                         Pagkatapos ng halos isang buwan, ay umalis na kaming lahat ng pamilya ko. Siguro, hindi rin malalaman ni Kaye. Katawan ko lang ang umalis pero naiwan ko pa rin ang puso ko sa kanya hanggang sa araw na babalikan ko siya.

                 Sa dalawang taon,  marami ang nagbago. Nagpagamot kami at lumaban si Daddy. Ako naman ay kumakanta pa rin. Hindi pa naman sumisikat ang pangalan ko para umabot hanggang sa Pilipinas. Ang buhay ko ay nagbago, ako ay nagbago. Naging mas liberated ako at walang pakialam sa iba. Lalong lalo ng namatay si Daddy. Nang araw na yun, binaon ko na rin sa limot ang dating ako. Nagbago ang lahat maliban sa puso ko. Pero......

"Nasa email niyo na po ang mga letratong pinadala ko" sabi ng taong binayaran ko pa subaybayan si Kaye.

                   Nakaupo ako sa kama ng kwarto ko, mag isa, walang kasama. Nang mamatay si Daddy, sinisi ko ang mundo, ang pamilya ko, sa kasalanang ginawa ko. Nawala si Kaye. Ang taong dapat kasama ko.

                    Binuksan ko ang email ko. Nasa resto si Kaye at may kinakantahang iba. Pwede naman to. Pero kilala ko siya, iba siya sa babaeng kinakantahan niya. Medyo madilim para makita ko ang mukha ng iba. May ibang letrato na nasa Batangas sila.

"Hindi!" Galit na sigaw ng isip ko.

                At may letratong hinahalikan siya ni Kaye. Napasigaw ako nang malakas at tinapon ang laptop ko.

"Sino ang babaeng kasama niya?" Galit na tanong ko.

"Si Hazel Lou po ma'am."

              Tumayo ako at nakaharap sa salamin. Namumula sa galit pero walang luhang pumapatak sa mga mata ko.

"Bantayan mo siya. " bulong ko at binaba ang tawag.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon