58. Dahil sa yo

212 10 1
                                    


(Ctto 📹)

             
              ***Hazel's POV***

                   Nagbabasa ako ng textbook habang kumakain ng agahan. Biglang dumating si Marlo at may dalang mga pagkain. Pinatong niya sa mesa, lumingon ako sandali at nagbasa. Naupo siya sa tabi ko at binaba ang librong binabasa ko.

"Aminin mo nga, binabasa mo ba talaga yan? Mukha kasing galit ka sa libro mo at kanina ka pa nakasimangot." Tanong niya

                 Kinuha ko yun sa kamay niya at binuksan pero hindi ko na binasa pa.

"May pagkain naman kami. At nagbabasa kaya ko, medyo hindi ko lang maalala" sagot ko

                 Tumawa siya nang malakas at may tinuro sa sofa. Isang malaking box.

"Naalala mo yung grandball na nasabi ko noon, yung gusto kong puntahan?" Paalala niya

                  Tumango ako habang kinakain ang sandwich na isang oras ko ng kinakain pero hindi pa rin ako tapos.

"Akala ko hindi ako makakadalo pero biglang may mga pagbabago sa sked ko..... Kaya....... Alan mo na... Ang".  .....halos hindi siya makapagsalita.

                 Tumayo ako papunta sa malaking box at binuksan ito. Nang humarap ako sa kanya, nakaluhod na siya sa harapan ko. Biglang pumasok ang nakakababatang kapatid ni  yaya at napasigaw sa eksena. Matagal na niyang crush si Marlo. Si Princess. May inaasikaso siya dito sa Manila kaya dito muna siya sa amin.

" yan. Isang buwan na naman yung iiyak. Tumayo ka nga jan." Sabi ko

                Hinawakan ko siya sa braso at pinipilit na tumayo pero hindi pa rin siya gumagalaw. Hinawakan niya ang kamay ko. Naramdaman kong umiinit ang mga pisnge ko. Kasal ba agad?

"Hazel. Can you be..." Mahinang pagkasabi niya

"Ayokong pakasalan ka!! I mean... Wala namang tayo... Ngayon.. At uhmm. Di ba, bata pa ako.. Tayo.. Ayokong..." Paliwanag ko.

                 Pero habang nagsasalita ako, tumayo siya at tinakpan ang bibig ko.

"Hazel, can you be my date sa grandball na sinasabi ko this weekend?" Tumatawang tanong niya

                Nang matapos siyang magsalita, kinuha niya ang kamay niya.

"Ah.... Sorry.. Assumera lang. Ikaw naman kasi" bigla ko siyang hinampas sa braso

"Bakit ako? Ikaw yung mabilis mag assume, hindi pa nga ako nagsasalita. Hindi naman lahat ng nakaluhod ay nagpropropose agad. Baka may hinahanap lang. Sige na, samahan mo na kasi ako. Unless niyaya ka na ni Kaye" Biro niya

"Hindi yata siya pupunta. Hindi naman siya mahilig sa mga ganyan. " mahinang sagot ko

"As a friend?" Pakiusap niya uli.

                 Huminga na lang ako nang malalim  at tumango sa kanya. Pwede bang maging magkaibigan ang dalawang taong may dating "tayo"? Pwede bang gustuhin kong nasa tabi lang kami kahit man hindi tama?

              Pagkatapos naming mag usap ay pumasok na rin ako sa school. Habang naglalakad ako papunta sa huling class ko, naisip ko ang party na yun at kung paano sasabihin kay Kaye. Sana busy siya sa Sunday para hindi niya mahalata. Nagmadali akong pumasok at naupo agad sa upuan ko nang hindi man lang tumingin sa paligid ko.

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon