16. Chances with you

266 12 0
                                    



                 ***Hazel Lou's POV***

*Present time:

                  

               Tapos na kaming magparasailing. Kung malalaman ni mommy, baka itatali na talaga ako sa puno sa susunod. Mabuti na lang talaga at before lunch namin ginawa yun. Ngayon, nakaupo kami sa isang Korean restaurant at kumakain. Siya naman ay nakangiting mag isa. Ano na naman kaya ang susunod na ipapagawa niya.?

" sige na, sabihin mo na lahat ng plano mo para mapaghandaan ko na" sabi ko

"Ang alin?" Nakangiting tanong niya

"Kaye" mahinang sabi ko pero galit na ang mga mata ko.

"Helmet diving?" Sabi niya at kunwari, umuubo.

                   Ako naman ay biglang nawalan ng ganang lunukin pa ang pagkain na halos kalahati pa ang naiwan. Diving? Nakita ko na yan sa mga pictures ng iba, pero ako? Ako???

"Hazel?" Biglang narinig ko siya Kaye.

                Nasa tabi ko na pala siya.

"Breathe." Sabi niya.

                    Namumutla na yata ako. Ang dami ng pumapasok sa utak ko. Tumayo siya, naupo at kumain uli.

"Gusto mo na bang makipagbreak kaya mo ako pinapahirapan?" Seryosong tanong ko

                    Tumawa lang siya ng malakas. Hinawakan niya ang kamay kong may hawak na kubyertos para tulungan akong isubo.

"Grabe ka sa akin. May part two pa pala ang list na yun noon." Malungkot na sabi ko habang nginunguya ko ang pagkaing halos hindi ko na malasahan sa takot.

             Halos isang oras at kalahati kong naubos ang pagkain ko. Hindi halatang parang ayaw ko nang tumayo pa.

"Hazel, baka gusto mo pang mag order uli? " Biro niya.

                   Hinampas ko siya sa balikat. Maya maya, kahit ayaw ko pa, tumayo akong nakasimangot at lumabas na. Naupo muna kami sa isang lounge chair para makapagpahinga. Nauna siyang naupo, tinabihan ko siya at niyakap nang nakatingin sa dalampasigan.

"Hazel,"

"Hmm?" Nakapikit pa ang mga mata ko.

"Wala. Gusto ko lang sabihin ang pangalan mo" sagot niya.

                     Ngumiti lang ako at kayakap pa rin siya. Biglang nagbuzz ang cellphone kong nakalagay sa maliit na pouch ko. Dahil tinatamad akong gumalaw pa, si Kaye na lang ang sumagot.

      "Oh, hi Marlo." Bati ni Kaye

                   Binitawan ko siya agad at kinuha ang cellphone ko.

"Hello?" Sabi ko.

"Ayoko ng tanungin bakit siya ang sumagot. Kamusta ka na? Nag enjoy ka ba?" Tanong ni Marlo

                Naupo ako at inayos ang cellphone sa tenga ko. Si Kaye naman ay nahiga at biglang pinatong ang ulo niya sa kandungan ko. Nakapikit ang mga mata niya pero nakangiti. Alam ko na naman ang ginagawa niya. Dinidistract niya ako. Ang mapulang mga labi niya..😘

Heartbeat Book two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon