***Hazel's POV***
Nakaupo ako sa field ng campus, nakatingala sa langit at may suot na shades.
Lumingon ako ng biglang may tumabi at kinuha ang shades na suot ko."Kanina pa kita tinatawagan." Sabi ni Angelic.
"Naiwan ko sa bahay ni Marlo ang bag ko" matamlay na sagot ko.
"So, masaya ba ang party? Kwento ka naman, siguro.." Bigla siyang tumigil sa pagsasalita ng makita ang mga mata ko.
Naupo siya sa tabi ko.
"Hazel, anong nangyari? Buong gabi ka bang umiiyak?"
Hindi ko maiwasang umiyak uli.
"Angie, galit si Kaye. Sinaktan ko siya. Sinaktan ko si Marlo. Ang sama sama ko. " sabi ko.
"Hindi ka masamang tao. Mas masama ka kung hindi mo na siya mahal pero pinilit ko pa. Pero, di ba tapos na ng issue kay Marlo. Tama siguro ang hinala ko, mahal ka pa rin niya." Kinuha niya ng cellphone niya at may tinawagan.
"May! Nasaan ka? Sige sige. Hihintayin ka namin."" Sabi niya.
Binaba niya ang tawag at tumayo.
"Alam kong kahit magstay ka dito, iiyak ka lang buong araw kaya mabuti pang lumabas tayo" sabi niya.
Kinuha niya ang kamay ko at pinilit akong tumayo.
"Saan mo gustong pumunta? Kahit anong gusto mo today, gagawin natin." Yaya niya
Sinuot ko uli ang shades ko."Gusto kong uminom" sabi ko habang naglalakad.
Bigla siyang huminto.
"Seryoso?"
"Sabi mo kahit na ano. Kaya wag ka bang magreklamo" sagot ko.
Nang lumabas na kami sa campus, naghihintay na si May at ang manliligaw niyang si Sam. Lumabas agad si May sa kotse at lumapit sa amin.
"Anong nangyari?" Tanong niya.
"Gusto niya raw uminom" sagot ni Angelic at tinuro ako.
"Sasamahan niyo ba ako o hindi? Kung ayaw niyo, aalis pa rin ako." Sabi ko
"Sasama na kami. As if marunong kang uminom" sagot ni May.
Hinatid kami ni Sam sa isang korean bar. Kaming na lang ang pumasok at pinaalis na agad ni May si Sam.
"So anong nangyari?" Tanong ni May nang makaupo na kami.
"Hinalikan ako ni Marlo." Sabi ko.
Naging tahimik silang dalawa habang nag order ako muna.
"At nakita ni Kaye." Dagdag ko.
Nakahawak ang dalawang kamay ko sa ulo ko.
"Anong nangyari pagkatapos?" Tanong ni May.
"Sinuntok siya ni Kaye at syempre galit na galit."
"Nag usap na ba kayo ni Kaye?" Tanong ni Angelic.
"Hindi pa. Naiwan ko ang cellphone ko sa bahay ni Marlo. " nakasandal ang aking noo sa mesa.